Donte DiVincenzo tinututukan na ng ilang koponan matapos na i-opt out niya ang kaniyang kontrata sa Golden State Warriors.

.

Donte DiVincenzo tinututukan na ng ilang koponan matapos na i-opt out niya ang kaniyang kontrata sa Golden State Warriors.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong pakikipagkita ni Draymond Green kay Damian Lillard.


Walang duda nga na gusto ng Portland Trail Blazers na makapagdagdag sila ng player sa kanila ng isang gaya ni Green na mahusay sa depensa.

Pero mukhang hindi pa mangyayari iyon sa ngayon, dahil hindi naman daw nakipagkita itong si Green kay Lillard upang sila ay mag-team up sa Blazers.

Kaya malamang na si Green ay naka lock in pa rin sa pagbalik niya sa Warriors, habang ang Blazers naman ay patuloy na bubuo ng isang championship-caliber roster sa paligid ni Lillard.


At dahil limitado ang draft capital nila at least sa terms ng first-round picks sa ilang mga susunod na season, mga idol, ayaw ng Blazers na isuko na lang ang kanilang mga young talents na sina Shaedon Sharpe at Scoot Henderson.

Sa puntong ito, sa kabila ng desire ni Lillard para sa Portland na makabuo ng isang championship contender team sa lalo't madaling panahon, ang Blazers ay committed sa kung ano ang mas best para sa kanilang prankisa, ngayon at sa hinaharap.

Ang trade package na naka-sentro kina Anfernee Simons at Jusuf Nurkic ay maaring makatulong sa Portland upang ma-upgrade nila ang kanilang roster.


Pero ang ibang teams ay kagaya rin ng Blazers na ayaw na lang basta ipamigay ang kanilang marquee player.

Kaya mas mainam talaga na ituon nila ang kanilang pansin sa free agency at sa isang potential addition na kagaya ni Draymond Green.

At para naman sa pagtutok ng ilang koponan kay Donte DiVincenzo matapos na i-opt out na niya ang kaniyang kontrata sa Warriors, mga idol.


Papasok na nga sa open market itong si DiVincenzo matapos na idecline na niya ang kaniyang player option sa Warriors na nagkakahalaga ng $4.7 million.

At ngayon nga ay may mga ulat na, na naglalabasan na ilang mga koponan ay nagpapakita na ng interes sa kaniya, kabilang ang mga koponan ng New York Knicks, Cleveland Cavaliers, Dallas Mavericks at Los Angeles Lakers.

At matapos nga na manalo ng kampeonato nitong si DiVincenzo na kasama sina Josh Hart at Jalen Brunson sa Villanova, ang New York Knicks ang mas appealing na destinasyon niya personally.


Si DiVincenzo ay isang mainit na commodity sa free agency, mga idol, na siya ay nag-averaged ng 9.4 points, 4.5 rebounds at 3.5 assists last season, na may career-best shooting sa tres na 39.7%.

Bawa't team ay maaaring gumamit ng maraming snipers sa tres at napatunayan naman na ni DiVincenzo na siya ay isang sandata sa tres.

Ang $4.7 million ay mababang halaga para sa kagaya ni DiVincenzo at alam naman niya ito, at madali siyang makakakuha ng mid-level exception sa mga koponan na gaya ng Knicks, Cavs, Mavs at Lakers.


Hindi lang ang talent ni DiVincenzo ang madadala niya sa isang koponan, mga idol, kundi maging ang kaniyang experience sa postseason, na paniguradong iko-consider ng kaniyang mga potential suitors sa free agency.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.