Dadalhin daw ni Frank Vogel ang Suns sa panibagong era bilang kanilang bagong head coach.
Ayon sa General Manager ng Phoenix Suns na si James Jones, kaunti na lang at maabot na ng Suns ang kampeonato, mga KaDribol.
Naging paborito nga ang Suns na manalo ng kampeonato matapos na makuha nila sa isang trade itong si Kevin Durant, subali't sila ay tinalo ng Denver Nuggets sa loob ng anim na games sa conference semifinals.
Nakakuha naman ng dalawang games ang Suns sa Nuggets pero kulang pa rin sila ng ambag at pagpapatuloy sa opensa kahit na ba nasa kanilang koponan na itong si Durant, kaya nakita ng Suns na kailangan na nila ng pagbabago.
Inalis na nila sa kanila si coach Monty Williams at pakiramdam nila na ang makapaghahatid sa kanila sa kampeonato ay itong si Frank Vogel.
Kilala itong si Vogel sa pagbuo ng mataas na antas na depensa at nakapagwagi na siya ng kampeonato taong 2020 sa koponan ng Los Angeles Lakers, mga KaDribol.
At sa ginanap na introductory press conference ni Vogel, sinabi niya na malaki pa ang kulang sa Suns, kaya't naka-committ siya na dalhin sila sa isang championship-level culture, kapuwa sa loob at labas daw ng court, isang kultura na nakasentro raw sa hard work, toughness, intelligence at teamwork.
Meron daw silang talento pero sila raw ay magiging isang kulang na koponan na maglalaro ng husto kaysa sa kanilang kalaban kada gabi, at magiging isang koponan daw sila na maipagmamalaki ng kanilang community.
Kilala na nga itong si Vogel sa pagkakaroon ng isang matatag na koponan, Gaya nu'ng sa Indiana Pacers na isa sa naging pinakapisikal na grupo sa NBA nu'ng nasa kanila pa si Paul George.
Ang Lakers din noon ay may physicality at dalawang superstars, sina LeBron James at Anthony Davis, na nagpaging sa kanila na isang koponan na mahirap talunin, mga KaDribol.
Sinabi din ni Vogel na ang Suns ay magfofocus sa isang habit na magpupush sa kanila papalapit sa kampeonato.
Ang magiging No.1 habit daw nila na idedevelop ay maririnig nila buong taon, na kailangan nilang maglaro ng masikap at matatag at maraming hustle kaysa sa kanilang mga kalaban bawa't gabi, ang sabi ni Vogel.
Dahil kapag nadevelop daw nila ang ganoong habit sa loob ng 82 games, pagdating daw ng playoffs, kahit na subukan pang buwagin iyon ng mga kalaban, nasa sa kanila na raw iyon at hindi na mawawala pa, dagdag pa ni Vogel.
Ang Suns ay may mga players na aangkop sa mga plano ni Vogel, at sinabi rin ni Vogel na si Deandre Ayton ay magiging isa sa pinakamagaling na sentro sa liga, mga KaDribol.
Sinabi rin niya na gusto niya kung papaano na sina Booker at Durant ay nakikipaglaban sa depensa, at sinabi raw ni Durant sa kaniya na hindi na raw siya makapaghintay na bumantay gamit ang sistema ng bago nilang head coach.
Sinabi rin ni Vogel na pinag-iisipan pa niya kung anong mga roles ang ibibigay niya sa kaniyang coaching staff, na kasama doon ang associate head coach na si Kevin Young at former NBA coach na si David Fizdale.
Sinabi rin ni Vogel bilang bagong coach ng Suns na tinitignan na niya ang pagyakap sa championship expectations ng kanilang prankisa.
Inaasahan na rin itong si Vogel na isa siya sa kanilang hakbang na kailangan ng kanilang koponan upang makuha ang kampeonato, dahil ang kaniyang mga concepts ay gumana naman na, at confident siya na mapapagana rin niya iyon sa Suns, mga KaDribol.
Panimula na raw ito ng panibagong era para sa Phoenix Suns, pagpapatuloy pa ni Vogel, at excited na raw dito si Vogel, at committed na raw sila na dalhin ang isang championship-level talent na Phoenix Suns sa NBA.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?
Comments
Post a Comment