Coach Erik Spoelstra natakot sa itinanong sa kaniya patungkol kay Jimmy Butler.
Coach Erik Spoelstra natakot sa itinanong sa kaniya patungkol kay Jimmy Butler.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Nikola Jokic patungkol sa kaniyang Finals MVP trophy.
Bukod sa ibinibigay nila ang lahat ng kanilang magagawa sa loob ng court, itong sina Nikola Jokic at Jimmy Butler ay may pagkakapareho talaga, mga KaTop Sports.
Silang dalawa ay mas inuuna ang manalo kaysa sa ibang mga bagay, at ang priority ng dalawa ay ang ikabubuti ng kani-kanilang koponan kaysa sa kanilang mga personal achievements.
May sinabi pa nga itong si Butler na iisnabin niya ang Hall of Fame ceremony kung siya ay matatalaga doon, na iyon nga ay umani ng iba't-ibang reaksiyon.
Pero ngayon, iba ang nangyari kay Jokic, dahil ibinunyag niya sa isang interview na namisplaced niya ang kaniyang Finals MVP trophy.
Hindi daw niya alam kung saan niya nailagay 'yung trophy, iniwan daw niya iyon sa isang kwarto ng kagamitan ng manager at pagbalik niya ay wala na raw iyon doon, at sana lang daw ay dalhin iyon sa kaniyang bahay, mga KaTop Sports.
Hindi siya nagbibiro ng sabihin niya ito, mukhang totoong nakalimutan niya ang patungkol sa trophy habang sila ay nagdiriwang.
At malamang, hindi ito ikatutuwa ng commissioner ng liga na si Adam Silver kapag nalaman niya ito, dahil pagpapatunay lang ito na hindi mahalaga kay Jokic ang mga individual na parangal.
At isa pa, mas ipinakikita niya rito na mas pinahahalagahan niya ang pagkapanalo nila ng titulo kaysa sa iba, okay ang mga solo awards, pero para kay Jokic, mukhang mas mahalaga ang Larry O'Brien trophy.
Ano ang masasabi niyo rito?
At para naman sa itinanong kay Coach Erik Spoelstra patungkol kay Jimmy Butler na nagbigay takot sa kaniya, mga KaTop Sports.
Hindi nga natin nakita na inilaro ni Jimmy Butler ang usual niyang laro sa playoffs sa NBA Finals, ito kaya ay dahil sa injury niya sa paa?
At nang matanong patungkol dito si Coach Erik Spoelstra, may takot na sinagot niya ang nagtanong nito sa kaniya.
Tinanong ni Spoelstra ang nagtanong na sinabi, gusto mo ba akong saktan ni Jimmy, inilalagay mo ba ako sa isang pisikal na pag-aaway, okay lang si Butler, at walang excuses doon, ang sabi ni Coach Spo.
Natamo nga ni Butler ang kaniyang injury sa second round ng playoffs, pero isa lang daw ang malinaw dito, magagamit daw ni Butler iyon na palusot upang mapagtakpan ang hindi niya naging magandang paglalaro sa Finals, mga KaTop Sports.
Pero ang tugon diyan ni Spoelstra ay, may karangalan daw itong si Butler na nakikipaglaban na dapat nating hangaan sa kaniya at dapat na bigyang galang, at ganoon daw nila iginagalang si Butler.
At kung pinanonood mo raw na lumaban ang kanilang koponan, dapat mo raw igalang kung ano ang ibinibigay nila kada laro.
Naging pangalawa lamang si Butler na scorer sa kanilang koponan sa Finals, at ang nanguna sa kanila ay si Bam Adebayo.
Siya ay nag-averaged ng 21.6 points per game, na may mababang average na 41.3 percent shooting sa field, at kinulang din siya sa pagiging agresibo at lakas na kadalasan namang nakikita sa kaniya kapag kinakailangan, mga KaTop Sports.
Sumablay ang mga tira niya na madalas naman niyang naipapasok, at kinulang din siya sa pagdepensa na isa nga sa nakita sa kaniya ng kanilang mga fans.
Kaya nabuo tuloy sa kaisipan ng kanilang mga fans na baka nagagambala pa nga siya ng kaniyang injury sa paa, kaya naging limitado na siya sa laro.
Anoman ang katotohanan sa lahat ng ito, tanging si Butler lang ang nakakaalam, at sana nga ay okay na siya at wala na siyang iniindang pananakit ng kaniyang paa.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?
Comments
Post a Comment