Ito ang naging mensahe ni Jimmy Butler matapos na makuha ng Heat ang panalo sa Game 2 laban sa Nuggets.



Ito ang naging mensahe ni Jimmy Butler matapos na makuha ng Heat ang panalo sa Game 2 laban sa Nuggets.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong isang mainit na eksena kay Bam Adebayo sa kaniyang on-court interviews pagkatapos ng Game 2.

Nakuha nga ng Miami Heat ang malaking panalo sa Game 2 ng 2023 NBA Finals laban sa Denver Nuggets, at ang panalong iyon ay nagbigay sa kanila ng home-court advantage, na ang serye ay malilipat na sa South Florida para sa Game 3 at Game 4, mga KaTop Sports.


Si Bam Adebayo ay nagkaroon muli ng magandang paglalaro, na siya ay nagtapos na may 21 points, 9 rebounds, 4 assists at 2 blocks, at maganda rin ang ginawa niyang pagpupursige sa pagdepensa kay Nikola Jokic at sa Nuggets.

Si Jimmy Butler naman ay nagtapos na may 21 points din, at 9 assists, habang naglalaro na may pananakit pa rin ng kaniyang paa na tinamo niya nu'ng Game 7 nang East Finals.

Kung napanood mo ang broadcast ng Game 2 sa pagitan ng Nuggets at ng Heat sa NBA Finals hanggang dulo, makikita mo doon na itong si Adebayo ay mukhang na upset sa isang tao pagkatapos ng kanilang panalo.


Pagkatapos ng isang postgame interview kay Adebayo ni ESPN Lisa Salters, maririnig si Adebayo na may sinasabi sa isang tao na nasa tabi niya habang ang isa naman ay humihingi ng paumanhin sa kaniya, mga KaTop Sports.

May mga teorya nga na naglabasan patungkol sa eksenang iyon, na para bagang itong si Adebayo ay nag-init sa isang tao.

Ayon sa nakakaalam ng pangyayari, dapat ay mananatili muna si Butler sa court pagkatapos ng game, upang silang dalawa ni Adebayo ay mainterview bago sila magtungo sa locker room.


Subali't umalis agad si Butler sa court matapos na i-contest niya ang tira ni Jamal Murray na magpapatabla sana sa score, kaya't naiwan na mag-isa si Adebayo sa court.

Makikita sa video na si Adebayo ay nilapitan ng isang NBA PR member, na humihingi ng paumanhin dahil sa kailangan niyang gawin ang ikalawang interview, kapalit ni Butler, mga KaTop Sports.

Lumingon si Adebayo sa isang miyembro ng Heat PR staff at may mga sinabi siya sa kaniya.


Nagawa naman ni Adebayo ang dalawang court interviews, maging ang kaniyang postgame press conference ng maayos, at mukhang naka-move on na siya sa nangyari sa kaniya sa court, dahil na rin siguro sa kanilang naging panalo. 

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?

At para naman sa naging mensahe ni Jimmy Butler matapos na makuha ng Heat ang panalo sa Game 2 laban sa Nuggets.

Nagawa na nga ng Miami Heat, kahit na ba na sinasabi ng ilan na hindi nila kayang talunin ang Denver Nuggets, pero nagawa nilang manalo sa Game 2.

Kaya naman ngayon, ang Heat na ang may home-court advantage laban sa Nuggets, 


Ngayon tabla na ang serye sa 1-1, at lilipat na nga sa balwarte ng Miami ang serye para sa Game 3 at Game 4, kaya may advantage na ngayon ang Heat kontra sa Nuggets, mga KaTop Sports.

Pagkatapos ng game, si Jimmy Butler ay nag-iwan ng isang espesyal na mensahe para sa kaniyang mga kakampi.

Naappreciate raw ni Butler ang effort na ipinamalas ng kanilang koponan sa isang ito, at pinuri niya ang kaniyang mga kasama, at todo rin daw ang respect niya sa kanila dahil nanatili sila sa game at talagang nagpamalas ng kanilang kahusayan, ang sabi ni Butler.


Nakakuha raw sila ng panalo sa road, kaya't wala raw siyang masabi, nanalo raw sila sa isang matinding environment, at ngayon daw ay babalik sila sa Miami na tangan ang tablang standings sa serye, dagdag pa ni Butler.

Hindi naman naging masama ang paglalaro ni Butler sa Game 2, katunayan, siya ay naka-21 points, sa kaniyang 7-of-19 shooting, na may 4 rebounds, 9 assists at isang turnover lamang, sa loob ng 40 minutes niyang paglalaro, mga KaTop Sports.

Hindi man iyon ang masasabi natin na pinakamagaling niyang performance, pero nakakuha siya ng suporta sa kaniyang mga kasama upang mabuhat ang kanilang koponan sa isang panalo.


Si Gabe Vincent ang nakakuha sa kanila ng mas may mataas na scoring, 23 points, na may 4-of-6 shooting mula sa tres.

Si Bam Adebayo naman ay nagtapos na may 21 points, 9 rebounds, 2 blocks at isang napakagandang effort laban kay Nikola Jokic.

Si Duncan Robinson naman ay naiskor ang lahat niyang 10 points sa fourth quarter, na isa rin siya sa nakatulong upang makuha ng Heat ang panalo, mga KaTop Sports.


At gaya nga ng sinabi ni Butler, sila na ang may malaking advantage sa kanilang balwarte sa South Beach, pero asahan na natin na babawi rin dito ang Nuggets.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.