Bradley Beal trade paano ba dapat hawakan ng Miami Heat upang maging panalo sila dito?



Umpisa na nga ng mga trade rumors, mga KaTop Sports, at isang pamilyar na mukha ang muli na namang pinag-uusapan at ito ay si Bradley Beal ng Washington Wizards.

May balita na nga na ang kanilang koponan ay nagsisimula nang makipag-usap patungkol sa trade na kasasangkutan ni Beal, pero kailangan munang i-waive ni Beal ang kaniyang no-trade clause para maging posible na sa kaniya ang isang trade.

Ang mga koponan ng Miami Heat at ng Phoenix Suns ang napapabalita na may kagustuhan na makuha itong si Bradley Beal, at dahil doon, meron daw mga players ang Heat na dapat nilang iiwas na masangkot sa trade kay Beal.


At alam naman na natin na merong dalawang pangalan na nasa Heat ang hindi magagalaw kapag ang pag-uusap ay patungkol sa trade, at isa sa kanila ay talaga namang naka-lock sa kanila upang mag-stay.

At ito ay si Jimmy Butler, obvious naman na ito, mga KaTop Sports, dahil ang layon nga ng pagkuha ng anomang team kay Bradley Beal ay upang itambal siya sa isa pang star.

Pwede din namang mangyari ang isang derektang swap nina Beal at Butler, at si Butler nga ay mapupunta sa Washington at si Beal naman ay sa Miami, pero hindi siguro sasang-ayon dito ang Miami Heat.


Dahil ang iisipin nila, lalo lang magpapalala ito sa kalagayan nila, lalo na kung nakikita nila na si Beal ang perpektong player na maitambal nila kay Butler.

Isang magaling na player itong si Butler, at alam na natin 'yon, magaling siya sa depensa at magaling din naman siya pagdating sa opensa, pero sa mga nakalipas nga na mga taon, palagi na lang kinakapos ang Heat pagdating sa playoffs.

Isa sa dahilan nito ay dahil sa unti-unting pagkawala ng magandang paglalaro ni Butler habang sila ay nagpapatuloy, mga KaTop Sports,  bunga na rin siguro ng sobrang bigat na, na pagpasan niya sa kanilang koponan pagdating sa opensa.


At nakita naman natin 'yon sa Finals ngayong taon, na matapos na maka-survived sila sa Boston Celtics, sa isang matinding comeback, pagod na si Butler ng kalabanin na nila ang Denver Nuggets.

At si Bradley Beal nga raw ang perpektong maitambal kay Butler para sa problema nilang ito, na gaya ni Butler, si Beal ay isa ring talentadong scorer at playmaker na pupwedeng magpatakbo ng kanilang opensa.

At bagaman medyo hindi maaasahan sa depensa itong si Beal, nandiyan naman si Butler upang pumuno sa magiging kakulangan ni Beal sa laro, kaya ang makuha nila sa trade si Beal ay magdadala talaga sa kanila na maging instant contender, depende kung sino ang iti-trade nila sa kaniya.


Ngayon papasok na tayo sa katanungan na, sino ba ang pupwedeng i-trade ng Heat sa Washington Wizards para kay Bradley Beal, mga KaTop Sports?

Kaya bang tanggapin ng Wizards ang malaking kontrata ni Kyle Lowry? Si Duncan Robinson ba o sina Victor Oladipo at Caleb Martin at ilang mga draft picks kaya ang i-trade ng Heat para kay Beal?

Dahil kapag nagawa ng Heat na huwag mabuwag ang samahan ng tatlo nilang players na sina Jimmy Butler, Bam Adebayo at Tyler Herro para sa trade kay Bradley Beal, ito na siguro ang magiging pinakamagandang trade steal sa kasaysayan ng NBA.


At panigurado gagawin naman talaga ng Heat na magawa nilang gayon, pero kung ating iisipin, parang isang pangarap lang na magkaroon nga ng katuparan iyon.

Dahil baka ang hilingin ng Wizards kapalit kay Beal ay isa kina Bam Adebayo at Tyler Herro, mga KaTop Sports, at kung pipili ang Heat sa dalawa, mas gugustuhin siguro ng Heat na ang mag-stay sa kanila ay si Bam Adebayo.

Hindi naman ito patungkol sa dahil hindi naging available itong si Herro sa naging run ng Miami sa playoffs kaya siya ang agad na pipiliin ng Heat na i-trade kay Beal, walang duda naman na isa si Herro sa magagaling na batang guards ngayon sa liga.


Subali't may mahahalagang issues kasi sa pagitan nina Herro at Beal na dapat bigyang pansin ng Heat kung ibig nilang magtagumpay, at ito ay ang kahinaan nila sa depensa, bagaman sila naman ay kapuwa mahusay na mga guards at magaling sa play making.

At kapag si Bam Adebayo ang itinrade ng Heat kapalit kay Beal, wala nang magtatakip sa kahinaan nina Beal at Herro sa depensa, at napakahalaga ng depensa ni Adebayo para sa Heat dahil siya nga ang nagsisilbing kanilang pinakapangunahing rim protector.

Lalo pa ngang nagningning ang pagiging rim protector ni Adebayo nang ang Heat ay magsimula nang maghigpit ng depensa sa perimeter nu'ng playoffs, mga KaTop Sports, at napatunayan na rin naman ni Adebayo na kaya niyang maging sentro din ng kanilang opensa.


Pero sa ngayon limitado pa iyon, kahit na sa pagiging second option sa scoring ay hindi pa natin masasabi na stable na siya doon, parang si Draymond Green lang itong si Adebayo, na nakagagawa ng damage sa mga pick-and-rolls sa kaniyang mga short roll passing at finishing.

At kapag pinalad ang Heat na makuha si Bradley Beal na hindi magagalaw sina Butler at Adebayo, magkakaroon ang Heat ng dalawang talentadong guards na makakatulong kay Adebayo na mas maging epektibo sa kanilang opensa. 


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.