Bradley Beal ibinunyag ang itinuro sa kaniya ni Russell Westbrook kung papaanong maglaro na kasama si Kevin Durant.



Bradley Beal ibinunyag ang itinuro sa kaniya ni Russell Westbrook kung papaanong maglaro na kasama si Kevin Durant.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong pag-emerge ng Indiana Pacers bilang strong contender para sa isang asset sa free agency.


Nasupresa nga ng Pacers ang ilang mga fans sa kung papaano nila binuo ang kanilang koponan sa nakalipas na ilang taon.

Sa ilalim ng pamumuno ng kanilang head coach na si Rick Carlisle, sila ay hindi pa talaga nakabuo ng tunay na identity na masasabi nilang kanila.

Kilala ang kanilang team bilang mahigpit sa depensa lalo na sa mga panahon ng nasa kanila pa sina Ron Artest at Jermaine O'Neal, at si Bruce Brown ng Denver Nuggets ang aangkop sa ganoong tipong paglalaro.


Ang athletic guard na si Brown ay isang defensive stopper na hypothetically magpi-fit ng mabuti sa grupo ni Carlisle sa Indianapolis, mga KaTop Sports.

Nakatulong siya sa Nuggets upang makuha nila ang titulo at ngayon nga ay marami nang katanungan na umaaligid sa kaniyang naka pending na extension.

At ang mga koponan ng Dallas Mavericks at Los Angeles Lakers ay ilan lang sa mga teams na sumusubok na makuha itong si Brown.


Ngayon ay nadagdag na sa listahan itong Pacers, dahil ayon sa ulat ni Marc Stein, isang seryosong contender daw ngayon ang Pacers para sa pagkuha ng serbisyo ni Bruce Brown.

Pwede nilang alukin si Brown ng mataas sa mid-level contract, mga KaTop Sports, o kaya ay gumawa na lamang sila ng effort na makuha ang small forward ng Heat na si Max Strus.

Sinoman sa dalawa, malinaw lang dito na naghahanap ang Pacers ng iba pang role player na magpo-provide sa kanila ng athleticism, shooting at depensa upang mailaban nila sa pagkuha ng korona sa Central Division.


Malayo pa nga ang dapat tahakin ng Pacers, pero ang makapagdagdag sila ng isang perimeter player ay magdadala ng shockwaves sa landscape ng free agency sa NBA.

Nagtapos ang Indiana na pang 23 pagdating sa depensa last season, kahit na ba, na dito naka focus si Carlisle at dito rin sa department na ito siya nakakakuha ng success sa nakalipas na, na mga taon.


Kung icha-challenge ng Pacers ang Milwaukee Bucks para sa top spot sa kanilang division, mga KaTop Sports, ang pagkadagdag sa kanila ni Brown ay maaari talagang maging isang malaking tulong para sa kanila.

At para naman sa ibinunyag ni Bradley Beal na itinuro sa kaniya ni Russell Westbrook sa kung papaano maglaro na kasama si Kevin Durant, mga KaTop Sports.


Mula sa pagiging lone star nitong si Beal sa Washington Wizards, ngayon siya ay papasok sa isang unfamiliar territory sa koponan ng Phoenix Suns.

At sa kaniyang bagong team, makakasama niya ang dalawang bonafide superstars na sina Kevin Durant at Devin Booker.

Walang duda rin na ngayon, siya ay nahaharap sa maraming pressure, ngayon na siya ay nasa bago na niyang koponan.


Marami ngang ipinagpalit ang Suns makuha lamang siya, mga KaTop Sports, kaya't ang kanilang koponan, maging ang mga fans ay aasa ng malaki sa kaniya dahil sa malaking investment na ibinigay sa kaniya.

Pero sa puntong ito, hindi naman daw iyon ipinag-aalala pa ni Beal, dahil alam naman daw niya na hindi magiging madali ang buhay niya sa Suns, lalo na at makakasama niyang maglaro ang dalawang elite talents na sina Durant at Booker.

Ayon kay Beal, handa na raw siya, at malaki raw ang naitulong sa kaniya ni Westbrook upang maihanda siya sa hamon na paparating sa kaniya.


Dati raw si Westbrook ang kasama niya, at araw-araw daw niyang nakikita si Westbrook, ang work ethic ni Westbrook, maging ang mentality ni Westbrook, na nagdala raw sa kaniyang game sa panibagong level.

At sa palagay daw niya ay magiging ganoon din iyon habang kasama niya ang isang coach na nagkampeon na, na si Frank Vogel, at si Durant na dalawang beses na, na nagkampeon, at si Booker na naglaro na sa Finals, mga KaTop Sports.

Ang mentality daw nila ay magiging iba kaysa sa ating nakikita, ihahanda daw ni Beal ang kaniyang mentality at excited na raw siya patungkol dito.


Ang partnership ni Beal at Westbrook ay hindi nga nagtagal, pero batay na rin sa ibinunyag ni Beal, marami siyang natutunan kay Westbrook sa maigsing panahon na nagkasama sila.

At gaya na rin ng sinabi ni Beal, mga KaTop Sports, ang work ethic ni Westbrook ay second to none, at ito raw ang isang bagay na madadala niya, at ganoon din daw klase ng mindset ang magdadala sa Phoenix ng tagumpay.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.