Bakit sa Lakers makukuha ni Chris Paul ang kaniyang unang kampeonato?



Ang future nga ngayon ni Chris Paul ay wala pang kasiguraduhan, at kapag ini-waive siya ng Phoenix Suns, panigurado hahanap siya ng bago niyang koponan, mga KaDribol.

At isa ang Los Angeles ang tinitignan ngayon na isang koponan na may potensiyal na mapuntahan ni Paul, at sa lahat ng nasa free agency, si Paul ang naibaba sa kanilang lahat.

Dahil si Paul ay trentay otso anyos na at kakunting panahon na lang ang mayroon siya sa liga, pero isa pa rin siya sa mga talentadong point guard at magaling na floor general sa game.


Bukod tangi rin ang kaniyang abilidad na gumawa ng opensa at hanapin ang libre niyang mga kakampi, at dahil doon, kikita pa rin naman siya ng malaking halaga sa merkado kapag inalis na nga siya ng Suns sa kanila.

Gayun pa man, maaring bukas din siya para sa isang pay cut o mababang halaga, dahil sa hindi pa rin nga siya nananalo ng kampeonato, mga KaDribol.

Isang bagay na makakaapekto sa kaniyang legacy kapag siya ay nagretiro na, kaya naman mas gugustuhin niya na makapagkampeon muna kahit isa bago siya magretiro.


Kaya naman, maaring kunin niya ang mababang halaga sa isang koponan na alam niya na may mataas na tyansa na magkampeon, at diyan na nga papasok ang koponan ng Lakers.

Magkaibigan nga itong sina LeBron James at Chris Paul, at pareho na rin silang nalalapit na sa pagtatapos ng kanilang careers, kaya ang manalo ng kampeonato ay ang pangunahing layunin na para sa kanila sa magkaibang kadahilanan.

Si LeBron ay kinikilala bilang top-two NBA player of all-time, at kung ibig niyang malagpasan si Michael Jordan sa pagiging No.1, napakahalaga talaga na makapagdagdag pa siya ng isa pang kampeonato sa kaniyang resume, mga KaDribol.


Samantalang si Paul naman ay susubok na makakuha man lang kahit isang kampeonato bago siya magretiro, kaya ang tanong, bakit ang pagpunta niya sa Lakers ang makakapagbigay sa kaniya ng kaniyang unang kampeonato?

Alam naman na natin na si Anthony Davis ay isang superstar kapag siya ay malusog, at nagstruggle nga ang Lakers sa pasimula ng 2022-23 season.

Pero nagawa naman ng Lakers na maisaayos ang kanilang koponan pagpasok ng second half ng season, at nagawa nga nilang makapasok ng playoffs.


Maganda ang inilaro nila sa playoffs, bago nga sila ay winalis ng Denver Nuggets sa West Finals, kaya naman ang pagkadagdag ni Paul sa kanila ay baka makatulong, mga KaDribol.

Kapag nasa Lakers na si Paul, hindi na kailangan pa ni LeBron na maging kanilang pangunahing ballhandler dahil si Paul na ang gagawa niyaon para sa kanila.

At ang presensiya ni Paul ay magdadala sa Lakers upang magkaroon sila ng mga libreng tira sa tres, at napakahalaga no'n sa Lakers dahil malaki nga ang naging problema nila sa three-point range.


Pero kailangan muna ng Lakers na bigyang sagot ang mga katanungan sa kanilang roster, dahil ang mga future nina Austin Reaves at D'Angelo Russell at iba pa, ay mahalagang maisaayos muna nila.

At kung handa nga si Paul na tanggapin ang pay cut o mababang halaga upang makapaglaro na kasama si LeBron sa Lakers, magkakaroon nga ng katapuran ang pagpunta niya sa Lakers, mga KaDribol.

At baka ito na nga ang maging huling season nina LeBron at Paul sa NBA, kaya't mas gugustuhin siguro nila na gugulin ang huling season nila na magkasama, kaya naman, ang pagpunta ni Paul sa Lakers ang pinaka-best option para sa kaniya.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.