Babalik na nga ba si Derrick Rose sa Chicago Bulls o kukunin pa rin siya ng New York Knicks?



Babalik na nga ba si Derrick Rose sa Chicago Bulls o kukunin pa rin siya ng New York Knicks?

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang mensaheng babala ni Patrick Beverley para sa class ng 2023 NBA Draft.


Hindi pa nga natin alam kung saang koponan maglalaro itong si Patrick Beverley sa susunod na season, mga idol, ngayon na papasok na ang free afency.

Kung siya ba ay babalik sa Chicago Bulls o siya ba ay pipirma sa iba, pero isa lang ang sigurado tayo sa kaniya, hindi niya gagawing madali ang buhay para sa mga rookies.

Nagpadala siya ng mensahe sa Twitter para sa class ng 2023 NBA Draft, at iyon ay pag-welcome sa kanilang pagpasok sa liga at babala na rin sa kung ano ang naghihintay sa kanila sa pagpasok ng 2023-24 season na magsisimula sa kalagitnaan ng October.


Ito ang nilalaman ng mensahe ni Beverley, “Draftees enjoy this time. Be Present But in a couple months on Yal a**”, iyan ang mensahe ng isang Typical na Patrick Beverley.


Sino ba naman ang makakalimot sa ginawa niyang sariling rivalry kay rookie pa noon na si Lonzo Ball nang sumapit ang pinakahihintay na debut ni Ball sa Los Angeles Lakers, mga idol?

Hindi talaga tinantanam no'n ni Beverley itong si Lonzo mula tip off hanggang sa final buzzer sa pagbubukas ng 2017 season, at natulungan niya ang Los Angeles Clippers na magkaroon ng blowout win laban sa Lakers.

Na si Lonzo Ball ay nagstruggled at nagkaroon lamang ng 3 points, 4 assists at 2 turnovers, at may 1-of-6 shooting sa field lamang.


Ganito din kaya ang sasapitin ng rookie class ngayong taon?

Si Beverley ay trentay kwatro anyos na, mga idol, at hindi na siya kasing galing dumepensa gaya noon, anim na taon na ang nakakalipas, at baka siya ay maglaro na mula sa bench sa susunod na season kung saan man siya pipirmang koponan.

Bagaman wine-welcome naman ni Beverley ng may ngiti ang mga rookies, pero ito ay magbabago kapag nagsimula na ang mga laro sa bagong season na paparating.

Kaya dapat mag-ingat ang mga gaya nina Scoot Henderson, Amen Thompson, Anthony Black at ang mga iba pang playmakers na rookie.

At para naman sa katanungan na kung babalik na ba sa Chicago Bulls itong si Derrick Rose, mga idol?


Hindi na raw gagamitin ng New York Knicks ang contract option ni Derrick Rose, ayon sa writer ng Knicks na si Steve Popper, kaya naman siya ay papasok na sa free agency.

At may mga rumors na baka bumalik daw itong si Rose sa Chicago Bulls kung saan siya ay naging MVP doon.

Marahil ang pagbalik niya sa Bulls ay magpapa-excite sa mga fans, pero hindi pa natin malalaman pa sa ngayon kung iyon ba ang aangkop para sa kaniya.


Si Rose ay trentay kwatro anyos na, mga idol, at nakapaglaro lamang ng 27 games nitong katatapos lang na season.

Ikinu-consider siya noon na isa sa pinakamagaling na player sa NBA, subali't ang kaniyang mga naging injuries ang nagpabago ng lahat sa kaniya.

Matapos na siya ay manalo ng MVP sa Chicago, at na-established niya ang kaniyang sarili bilang isang superstar, ang mga injuries ay biglang nagkaroon ng malaking ginampanan para sa kaniyang career.


Hindi siya nakapaglaro sa kabuoan ng 2012-13 season at hindi na siya naging gaya nu'ng dati pagkatapos ng kampanyang iyon.

Kaya naman, mga idol, ang ginawa niya ay maging isang key role player na lamang magbuhat ng mawala siya sa Bulls taong 2016.

Baka wala na rin sigurong maglalakas ng loob na mga koponan na papirmahin pa siya ng kontrata na hihigit sa isang taon, dahil papasok na nga siya sa edad na trentay singko sa darating na season, lalo na at may history na siya ng kaniyang mga injuries.


Marahil, ang isang magiging dahilan upang siya ay pipirma muli ng panibagong kontrata ay dahil sa kaniyang leadership ability, at isa pa rin ang Knicks na posibleng magdagdag ng isang role player ngayong offseason.

At ang mawala sa kanila ang gaya ni Rose na nagbibigay ng leadership sa kanilang bench ay nakakapanghinayang talaga, pero posible rin na baka ito na ang tamang panahon na si Rose at ang Knicks ay maghiwalay na.

Abangan na lang natin kung ano ang mangyayari kay Rose, mga idol, kung siya ba ay sa Knicks pa rin, o kung sa ibang koponan na siya pipirma, o kung wala na bang koponan na magkakainteres na kunin pa siya.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.