Ano nga ba ang plano ng Lakers kay D'Angelo Russell kung sakaling makuha nila si Chris Paul?



Isa nga sa gustong gawin ng Lakers, mga KaDribol, ngayong offseason ay ang makuha itong si Chris Paul kapag ang Phoenix Suns ay magdesisyon na siya ay i-waived na lang.

Pero ang planong ito ng Lakers ay maglalagay naman kay D'Angelo Russell sa alanganin, kung sa susunod na season ay sa Lakers pa rin ba siya maglalaro, lalo na ngayon na papasok na siya sa free agency.

Pwede rin naman i-consider ng Lakers na kunin pa rin nila si Russell, kahit na ba makuha pa nila si Chris Paul, dahil magandang magtambal ang dalawang ito sa backcourt ng Lakers, magiging mapanganib silang dalawa sa mga makakalaban ng nila.


Magiging solid nga ang point guard position ng Lakers kapag pinapirma nila sa kanila itong si Chris Paul habang pananatihin nila si D-Lo sa kanila, mga KaDribol, pero magagawa lang ng Lakers ito kapag pasok sa budget nila ang magiging presyo ng dalawang point guard na ito.

Posible kasing sumingil ng mataas na presyo itong si D-Lo, ngayon na siya ay unrestricted free agent na sa offseason, at kapag nagkataon, mahihirapan na ang Lakers na mapabalik pa nila siya sa kanila.

Pero kapag nagawa ng Lakers na mapapirma itong si D-Lo na pasok sa kanilang budget, naku, panalong-panalo rito ang Lakers, imaginin niyo na lang na ang magiging backcourt nila ay isang Chris Paul at isang D'Angelo.


Isa pa, mga KaDribol, hindi naman siguro papatak sa $22 hanggang $24 million ang presyo ngayon ni Russell, at kakayanin siguro siyang pigain ng Lakers sa presyo ng $18 hanggang $20 million lamang dahil makatuwiran naman na hanggang doon na lang ang value niya ngayon.

Dahil hindi naman kasi naging maganda ang inilaro ni D-Lo sa postseason, kaya ito ang magpapaiba sa usapan patungkol sa value niya, hindi na siya makakahiling pa ng mataas na presyo, at wala sigurong team na magbibigay sa kaniya ng lalagpas ng $20 million annually.

Halos naging panglima o pang-anim lang kasi na best player itong si Russell sa Lakers, na minsan nga nauungusan pa siya ni Dennis Schroder sa paglalaro, nasaksihan naman natin 'yon, naging inconsistent talaga itong si D-Lo sa postseason.


Hindi pa rin nga natin alam kung ano ba talaga ang plano ng Lakers dito kay D-Lo, ang sa akin lang ay mga posibilidad na maaring gawin ng Lakers para sa kaniya, kung papaano na itong si Russell ay makakapanatili pa rin sa Lakers, habang makukuha din nila si Chris Paul.

Pwede rin kasi na gawin ng Lakers na i-sign-and-trade na lang nila si Russell, mga KaDribol, upang makakuha na lang sila ng iba na sa tingin nila ay mas kailangan nila kaysa sa kaniya, pero sa tingin ko, gusto pa rin naman siya ng Lakers.

Ito lang naman ay kapag nagawa ng Lakers na makuha si Chris Paul, siguro naman kapag nangyari iyon, mas magkakaroon ng motivation itong si Rob Pelinka na panatilihin nila sa kanila itong si D-Lo para sa ikalalakas ng kanilang backcourt.


Si Russell ay nag-averaged nu'ng postseason ng 13.3 points, 2.9 rebounds at 4.6 assists per game, na may shooting splits na 42.6 percent sa field, 36.2 percent sa tres at 76.9 percent sa free throw line.

Habang si Chris Paul naman ay nag-averaged sa postseason ng 12.4 points, 5 rebounds at 7.4 assists per game, na may shooting splits na 41.8 percent sa field, 32.1 percent sa tres at 50 percent sa free throw line.

Kung sakali man na hindi na makuha ng Lakers pabalik itong si D-Lo sa kanila, mga KaDribol, ang paborito na mapuntahan niya ay ang koponan ng Phoenix Suns, ang koponang panggagalingan naman ni Chris Paul, kaya kung magkataon, parang nagpalitan lang ang Lakers at ang Suns.


Naging napakaimportanteng player din naman nitong si Russell para sa Lakers, na sa regular season siya ay nag-averaged naman ng 17.6 points, na may 48.3 percent shooting sa field at 41.7 percent shooting sa tres sa loob ng 16 games, at siya halos ang naging starting point guard ng Lakers.

Makuha nga kaya kapuwa ng Lakers itong sina Chris Paul at D'Angelo Russell? 'O si Chris Paul lang ang makuha nila at hindi na si D-Lo? 'O baka iba na ang kunin ng Lakers at wala ni isa sa kanila ang kukunin nila? Ano man ang mangyari, abangan natin iyan, mga KaDribol.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.