Agent ni Damian Lillard nagsalita na patungkol sa nag-viral na IG Live ni Lillard na nagpainit sa posibleng trade niya sa Miami Heat.



Agent ni Damian Lillard nagsalita na patungkol sa nag-viral na IG Live ni Lillard na nagpainit sa posibleng trade niya sa Miami Heat.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong naging reaksiyon ni Victor Wembanyama matapos ang isang dinner kung saan nakasama niya ang mga icons ng San Antonio Spurs.


Gaya nga ng inaasahan, mga KaTop Sports, binigyan ng San Antonio Spurs ng isang mainit na pagtanggap itong si Victor Wembanyama ng siya ay dumating na sa kanilang lugar.

Kabilang ang isang makasaysayang dinner, kung saan present ang kaniyang bagong head coach na si Gregg Popovich at ilang mga legends ng Spurs na sina Tim Duncan, Manu Ginobili, David Robinson at Sean Elliot.

At ang ganitong set ng mga presensiya ng mga icons ng Spurs ay nagpapakita lamang sa atin kung gaano talaga kalaki para sa kanilang organisasyon ang pagdating sa kanila ni Wembanyama.


At para sa parte ni Wembanyama, isang napakalaking karangalan ang magkaroon ng opportunity na makasalo at makausap ang mga legends na ito.

At ayon kay Wembanyama, mga KaTop Sports, ito ay isang napakagandang karanasan para sa kaniya, at sa loob lamang daw ng ilang oras, natutunan niya ang maraming bagay sa NBA na maaaring matutunan niya sa buong buhay niya.

Nakaka-comfort daw na makita na ang mga tao na napaka-importante sa lugar ng San Antonio at sa kanilang prankisa ay mababait at generous na mga tao, at naramdaman daw niya na ngayon pa lang ay inaalagaan na siya, kaya nakaramdam daw talaga siya ng comfort sa kanila.


Ang katotohanan na nandoon sina Popovich, Duncan, Ginobili, Robinson at Elliot, na kumuha ng time out sa kanilang mga busy schedules upang ma-meet si Wembanyama ay isang malinaw na indikasyon kung gaano nila nirerespeto at ina-adore itong si Wembanyama.

At lahat sila ay naniniwala na si Wembanyama ang real deal at siya ang kanilang magiging cornerstone superstar sa malapit na hinaharap.

At para naman sa pagsasalita na ng agent ni Damian Lillard patungkol sa nag-viral na IG Live nito na nagpainit ng posibleng trade niya sa Miami Heat, mga KaTop Sports.


Dinala nga nitong si Lillard ang buong NBA Twitterverse sa frenzy matapos na siya ay naglive sa Instagram habang ninanamnam ang kanta ni Will Smith na Miami song.

At dahil nga sa mga balita na maigting ang kagustuhan ng Miami Heat na makuha nila si Lillard, natural lang sa mga tao na mag-assume na gusto na nga rin ni Lillard na mapunta sa Miami dahil sa scene na ito.

Pero ayon naman sa agent ni Lillard na si Aaron Goodwin, binigyang linaw niya na ang pagtugtog ng Maimi song habang naka-live itong si Lillard  ay walang anomang kahulugan, isa lang daw iyon na nakakatawang coincidence.


Inemphizied din ni Goodwin na si Lillard ay walang gagawing anomang bagay na labas na sa character, mga KaTop Sports, at alam naman daw ng lahat na siya ay loyal sa Portland.

At gaya nga ng sinabi ni Goodwin, hindi ang gaya ni Lillard ang gagawa ng isang bagay na magpapainit sa isang usapin.

At ang lahat naman ng mga trade rumors na umaaligid sa kaniya ay nanggaling sa mga journalists at ilang media outlets na may kani-kaniyang mga sources.


Ilang beses na rin namang ibinahagi ni Lillard ang kaniyang pagmamahal sa Portland at ang pagnanasa niya na lumaban para sa isang titulo sa Blazers.

Sa ngayon ay hindi pa natin masasabi kung ano ang mangyayari sa kaniya sa offseason matapos na makuha ng Blazers itong si Scoot Henderson bilang pang no.3 overall pick sa katatapos lang na NBA Draft, mga KaTop Sports.

Pero sa ngayon, wala pa ring indikasyon na siya nga ay aalisn na ng Blazers sa kanila, kaya abangan at tutukan pa rin natin kung ano ang mangyayari dito kay Lillard sa kabuoan ng offseason.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.