Warriors nalinlang daw ng Lakers sa Game 3 ang sabi ni Klay Thompson.



Matapos nga na talunin ng Golden State Warriors ang Los Angeles Lakers n'ung Game 2, sa Game 3, nabaliktad ang lahat, mga idol.

Ang Warriors na nagkaroon ng dalawang road wins sa unang round laban sa Sacramento Kings, ay nagtungo sa Crypto.com Arena upang kaharapin ang Lakers sa ikalawang round.

Subali't ang naging resulta, natalo sila sa Lakers, at 30 points ang naging kalamangan sa kanila ng Lakers sa pagtatapos ng game.


Dinaig nga ng Lakers sa lahat ng kategorya ang Warriors nitong Linggo, mga idol, kaya naman nasabi ni Klay Thompson na sila ay nalinlang ng Lakers at ni LeBron James.

Nalinlang daw sila sa rebounds at sa free throw line, kaya panonoorin daw nila ang laban na iyon, at ihihiwalay daw nila ang dapat na ihiwalay at mas magiging magaling na sila sa susunod.

Ang magkabilang koponan ay kapuwa may mga beterano nang manlalaro at mga naging kampeon na, kaya asahan na natin na ang serye nila ay isa sa magiging pinakamagandang serye ngayong taon.


Bawa't game ay mahalaga para sa bawa't koponan, mga idol, at maaring magbago pa ang lahat ng inaasahan na sa isang serye.

At kapag nagpamalas ng kahinaan ang Warriors sa Game 4, magkakaroon na ng 3-1 na kalamangan ang Lakers, at ang pagkakataon na madepensahan ng Warriors ang kanilang titulo ay malalagay na sa alanganin.

Kaya ang kalimutan na ang nangyari sa Game 3 at paghandaan na ang mga susunod pang mga laban nila ay magiging susi para Warriors para sa nais nilang maabot.


Kailangan daw nilang maging matatag sa kaisipan at magsama-sama bilang isang koponan kaysa magwatak-watak, mga idol, at magandang pagkakataon daw ang magiging laban nila sa Martes, upang maipakita nila kung anong meron sila, ang sabi ni Klay Thompson.

Ang Warriors ay nanggaling na sa 0-2 na pagkakalubog sa Sacramento Kings, hanggang sa ipinakita na nila ang kanilang dugong kampeon, at nagawa pa nilang pabagsakin ang Kings.

Pero ibang usapan na pagdating sa Lakers, dahil ang Lakers ay mas may karanasan kaysa sa Kings, kaya matinding hamon ito para sa koponan ng Golden State Warriors.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.