Warriors nakaligtas sa Game 5 at nai-extend pa ang serye sa Game 6 laban sa Lakers.
Hindi na nga natapos ni Anthony Davis ang game, mga idol, nang siya ay magtamo ng injury sa ulo at kinailangan na siya ay alisin na sa game na may pito't kalahating minuto pa ang nalalabi sa fourth quarter.
Sa puntong iyon, may 13 points na kalamangan ang Golden State Warriors sa Los Angeles Lakers sa score na 101-88, at hindi na nga nakabalik pa ang Lakers at nagtapos nga ang Game 5 sa score na 121-106.
Nagawa ng Warriors na magkaroon pa ng Game 6 at nakaligtas sila sa pagkalaglag sa serye sa Game 5, at ang Game 6 ay magaganap sa darating na Sabado, May 13, ika-sampu ng umaga, Pinas time
Sa hindi inaasahang pangyayari, mga idol, habang itong si Davis at Kevon Looney ay kukuha sana ng rebound sa pagsalaksak sa loob ni D'Angelo Russell, tumama ang ulo ni Davis sa siko ni Looney.
At doon na nga nakaramdam ng hindi maganda itong si Davis, na kinailangan pa siyang ilabas sa Chase Center ng naka-wheelchair.
Pero ayon naman sa inilabas na ulat, hindi naman daw nagtamo si Davis ng pagkaalog ng ulo, na isang delikadong bagay kung sakali mang nagkagayon.
Ayon naman kay Darvin Ham, mga idol, pinuntahan daw niya si Davis at okay na raw ito, pero hindi pa siya nagbigay ng update sa kalagayan ni Davis para sa Game 6.
Ayon naman kay LeBron James, sinabi raw ng kanilang medical team na okay na siya, at iyon daw ang mahalaga.
Para naman kay Austin Reaves, naniniwala raw siya na makakapaglaro itong si Davis sa Game 6.
Matagumpay ngang naprotektahan ng Warriors ang kanilang tahanan, mga idol, na nagawa nila na ang Lakers ay magkaroon lamang ng 48.3% shooting mula sa field, samantalang sila ay nagkaroon ng 51.1%.
Ang nanguna sa Warriors sa scoring ay si Stephen Curry na may 27 points, 3 rebounds at 8 assists, na sinundan ni Andrew Wiggins na may 25 points, 7 rebounds at 5 assists.
Si Draymond Green na nagpasimuno para sa Warriors nang mataas na pagpupursigi sa game ay nagtapos na may double-double performance, 20 points, 10 rebounds at 4 assists.
Si Gary Payton ll ay may 13 points, 6 rebounds at 1 assist, at si Jordan Poole ay may 11 points, 1 rebound at 4 assists.
Si Klay Thompson ay may 10 points, 6 rebounds at 2 assists, at si Moses Moody naman ay may 6 points at 4 rebounds.
Si Jonathan Kuminga ay may 5 points, 1 rebound at 1 assist, si Kevon Looney ay may 4 points, 8 rebounds at 2 assists, at si Donte DiVincenzo ay may 2 rebounds at 2 assists.
Sa Lakers naman, ang nanguna sa kanila sa scoring ay si LeBron James na may 25 points, 9 rebounds at 3 assists, na sinundan ni Anthony Davis na may 23 points, 9 rebounds at 3 assists.
Sina Austin Reaves at D'Angelo Russell ay kapuwa may tig-15 points. 7 rebounds at 5 assists kay Reaves at 4 rebounds at 2 assists naman kay D-Lo.
Si Dennis Schroder ay may 14 points, 2 rebounds at 4 assists.
Sina Rui Hachimura at Lonnie Walker IV ay kapuwa may tig-4 points. 2 rebounds at 1 assist kay Rui at 4 assists naman kay Walker.
Si Malik Beasley ay may 3 points, si Troy Brown Jr. ay may 2 points, si Wenyen Gabriel ay may 1 point at 3 rebounds, si Shaquille Harrison ay may 1 rebound at 2 assists, at si Jarred Vanderbilt ay may 1 rebound.
Maisara na kaya ng Lakers ang serye sa Sabado o maisagad pa ng Warriors ito hanggang Game 7, mga idol?
Sama-sama nating panoorin iyan sa darating na Sabado.
Comments
Post a Comment