Stephen Curry muling napatunayan na siya talaga ang GOAT shooter sa lahat ng panahon.



Muli na naman ngang pinatunayan ni Stephen Curry na siya ang GOAT shooter pagdating sa playoffs sa NBA, mga idol.

Ang legendary point guard ay naabot ang isang makalaglag pangang milestone, at siya na ang naging unang manlalaro sa kasaysayan ng NBA na nakaabot sa bilang na apat na libong 3-pointers sa kaniyang career, 3,390 sa regular-season at 610 naman sa playoffs.

Talaga namang binago ni Steph ang game pagdating sa kaniyang long-distance shooting at sa mga walang humpay niyang mga gawa sa loob ng court.


At habang nakikipaglaban nga ang Warriors sa Lakers sa Western Conference semifinals, mga idol, si Curry ang nagiging instrumento upang ang kanilang koponan ay makalaban.

Napakahalaga nga ng 3-point shooting ni Steph Curry sa NBA na hindi pupwedeng baliwalain, at ang abilidad niya na patuloy na maipasok ang bola na malayo sa arko ay binago talaga ang paraan kung papaano laruin ang basketball.

Ang pambihirang shooting range ni Steph ang nagdadala sa kalaban upang muling suriin ang kanilang estratehiya sa depensa, na nagpapanipis sa depensa ng kalaban dahil sa pagpigil sa kaniyang walang limitadong range sa pagtira.


At ang epekto ng impluwensiya ni Curry ay nagdala sa buong liga na magbigay diin sa 3-point shooting, mga idol, na binago ang anyo ng NBA, at itinatag siya bilang totoong nakakapagpabago sa isang game.

Ang Lakers, sa pangunguna ni LeBron James ay gusto nang ilaglag ang Warriors sa serye, subali't sa walang kapantay na kakayahan ni Curry sa kaniyang shooting, hindi magiging madali iyon para sa Lakers.

Ang epekto ng two-time MVP sa game ay hindi matatawaran, dahil nga sa kaniyang limitless range at quick release na nagdadala nga sa depensa ng kalaban na umangkop sa laro ni Steph, at pag-isipang maigi ang kanilang gagawing strategies.


Kaya abangan na lang natin kung ano ang mangyayari sa serye nilang ito sa Lakers, mga idol, at saksihan pa natin ang patuloy na pagtugis ni Steph Curry sa kaniyang kahusayan sa loob ng court.

Ang Game 5 sa pagitan ng Warriors at ng Lakers ay magaganap sa Huwebes, alas diyes ng umaga, Pinas time, sa balwarte na ng Warriors sa Chase Center.

Siya nga pala, mga idol, Si Steph ay naka-triple double sa Game 4, 31 points, 10 rebounds at 14 assists.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.