Stephen Curry maituturing na ba na 4th quarter-king dahil sa naabot niya ngayong playoffs?



Saan kaya pupulutin ang Golden State Warriors kung wala si Stephen Curry, mga idol? Malamang wala siguro sila sa playoffs ngayon.

Palagi ngang pinangungunahan ni Curry ang Warriors, na nagsisilbing kanilang gasolina upang gumana ang kanilang makina, at upang magkaroon sila ng pag-asa sa kampeonato.

At sa Game 4 laban sa Los Angeles Lakers, kahit natalo sila sa score na 104-101, at nasa bingit na nga sila sa maagang pagpapahinga, dahil sa kalamangan ng Lakers sa kanilang serye, 3-1, patuloy pa rin naman si Curry na gumagawa ng kaniyang marka ngayong season sa playoffs.


Matapos na siya ay makapuntos ng 10 points sa fourth quarter, siya na ang naging unang manlalaro ngayong playoffs na nakakuha ng 100+ points sa fourth quarter.

Ganiyan kahusay na scorer itong si Curry, lalo na down the stretch 'o sa final period ng bawa't laban, at dahil doon, maituturing na nga ba siya na 4th quarter-king?

At para naman sa kalagayan ngayon ng Warriors, nangyari na dati sa kanila ang maharap sa 3-1 na kalamangan ng kanilang kalaban sa serye, at ito ay noong 2019 NBA Finals laban sa Toronto Raptors.


Nagawa noon na maipanalo nila ang Game 5 ng kanilang serye sa road, pero n'ung Game 6, nadale sila ng injury, si Klay Thompson ay nagtamo ng ACL injury at hindi na nga sila naka-recover pa doon.

Gayun pa man, kahit na ba nalagpasan pa ni Stephen Curry ang century mark pagdating sa fourth quarter points ngayong postseason, hindi pa rin natin masasabi na ito na ang pinakamagaling niyang paglalaro.

Dahil siya ay nagkaroon lamang ng 12-for-30 mula sa field at 3-for-14 naman mula sa tres, at hindi rin siya gumana sa bandang dulo ng game.


Nagkaroon nga si Curry ng dalawang pagkakataon upang makuha ng Warriors ang kalamangan sa game, n'ung malapit nang maubos ang oras, pero hindi niya kinaya ang depensang ginawa sa kaniya ni Anthony Davis.

N'ung isa na lamang ang hinahabol na kalamanagan ng Warriors, 102-101, tumira si Curry ng isang mahirap na tira sa midrange laban kay Davis at hindi nga niya iyon naipasok.

Galing naman sa isang offensive rebound, muling tumira si Curry ng isang mahirap na pull-up, isang nabantayan na stepback triple sa harapan muli ni Davis at muli, hindi na naman iyon pumasok.


Hindi pa nga tapos ang laban nilang ito, lalo na at babalik sila sa kanilang tahanan, at kapag sila ay naglalaro sa harapan ng kanilang mga fans sa Chase Center, maganda ang inilalaro nila kadalasan, kaya asahan na natin na muli silang magpapaulan ng mga puntos laban sa Lakers sa Game 5.

At malay natin, baka makabawi na si Stephen Curry at ang Warriors sa nangyari sa kanila n'ung masayang nila ang 3-1 na kalamangan nila kay LeBron James n'ung 2016 NBA Finals.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.