Steph Curry hindi nagpadala sa pagbibiro ni LeBron James sa kaniya n'ung Game 1.
Napakataas nga ng intensity sa pagitan ng laban ng Golden State Warriors at ng Los Angles Lakers n'ung Game 1, mga idol.
Pero itong sina Steph Curry at LeBron James ay nakahanap pa rin ng panahon para magbiruan sa kanilang laban, ito ay n'ung gumawa si LeBron ng isang taktika ng pagdepensa kay Curry.
Sa isang punto n'ung 2nd quarter, habang itong si Steph ay patungo sa kanilang bench upang kumuha muna ng pahinga.
Sinundan siya ni LeBron hanggang sa kanilang bench, mga idol, habang makikita na si LeBron ay may ginawang pakikipag-usap sa coaching staff ng Warriors.
Pagkatapos ay iniwan ni LeBron si Steph sa kaniyang upuan nang tumatawa.
Hindi gaanong pinansin ni Steph si LeBron patungkol sa sinasabi nito habang sila ay papunta sa bench ng Warriors dahil siguro na itong si Steph ay naka-locked in sa game.
Kaya naman pagkatapos ng game, mga idol, si Steph ay natanong patungkol sa insidenteng iyon at sinabi niya na si LeBron ay nakikipagbiruan lamang.
Binibiro daw ni LeBron itong si Steph na babantayan niya siya hanggang makarating na ito sa kanilang bench.
Bagaman ang ginawa ni LeBron ay dinaan niya sa pabiro, pero kilala naman natin si LeBron, na ang kaniyang basketball IQ ay napakataas, kabilang na rito kung papaano siya maglaro ng mind games sa kaniyang kalaban.
Kaya kahit na ba idinaan pa niya iyon sa pagbibiro, mga idol, pero malinaw na may gusto siyang iparating na mensahe kay Steph, pero mukhang hindi naman nahulog itong si Steph sa patibong ni LeBron.
Mayroon din namang ginawang pakikipaglaban sa kaisipan itong si Steph, at hindi siya papayag na mapasok ni LeBron ang kaniyang kaisipan.
Comments
Post a Comment