Siya ang sleeper na dapat targetin ng Lakers sa darating na 2023 NBA Draft.



May dalawang picks nga ang Los Angeles Lakers sa darating na 2023 NBA Draft at ito ay ang pang no.17 at no.47, mga KaDribol.

Ang unang draft pick ng Lakers ay isang kilala na, na player, na inaasahan na makakapag-ambag agad sa season ng 2023-2024.

Ang second pick ay yaong tinatawag nilang sleeper, na dapat targetin ng kanilang prankisa, upang kahit papaano ay panalo pa rin sila sa 2nd round ng draft.


Kaya naman ang pagkuha ng Lakers kay Emoni Bates bilang kanilang pang no.47 pick ay may kabuluhan.

Kaya't pag-usapan natin ngayon kung bakit si Emoni Bates ng Eastern Michigan ang dapat na targetin ng Lakers sa darating na 2023 NBA Draft bilang kanilang sleeper, mga KaDribol.

Si Emoni Bates nga ng Eastern Michigan na isang guard/forward ang dapat na targetin ng Lakers bilang kanilang sleeper na pang no.47 pick sa darating na 2023 NBA Draft.


Habang ang karamihang fans ng NBA ay wala nang gaanong pake sa kalagitnaan ng second round picks, o kaya sa mga prospects ng Eastern Michigan, subali't ang pangalang Emoni Bates ay pamilyar na sa karamihan.

Naging parte na sana itong si Bates sa recruiting class taong 2022, subali't siya ay na reclassified matapos ng kaniyang junior season upang tumungo sa kolehiyo taong 2021.

Kahit na ba siya ay galing ng high school sa Ypsilanti, Michigan isang taon bago nangyari iyon, siya ay nanatili pa ring no.3 recruit sa bansa,  mga KaDribol.


Na siya ay nangunguna kina Paolo Banchero, Jabari Smith, Jalen Duren at marami pang iba na kasalukuyan nang naglalaro ngayon sa NBA, at maging sa ibang mga prospects ng 2023 NBA Draft at mga kasalukuyang stars ng college basketball.

Pinili nga ni Bates ang Memphis at si Penny Hardaway para sa kaniyang college basketball matapos na tanggihan ang Duke at hindi na magcommit pa sa Michigan State, at dahil sa siya ay 17 years old pa lamang, ang kaniyang freshman season ay hindi naging maganda.

Dahil sa ilang mga injuries na natamo niya, at dahil na rin sa siya ay pinaglaro ni Hardaway bilang point guard sa kabila na hindi naman iyon ang kaniyang posisyon dahil sa siya ay may taas na 6-foot-8, at ang naging resulta, nahulog siya sa projection ng 2022 NBA Draft.


At upang makabalik si Bates sa projections, siya ay lumipat sa kaniyang hometown sa Eastern Michigan para sa kaniyang sophomore season, mga KaDribol.

At nag-improved ang kaniyang mga numero, 19.2 points, 5.8 rebounds at 1.4 assists per game, subali't siya ay naaresto sa pagsisimula ng season dahil sa baril, at ang kaso ay inapela ni Bates at iyon ay naibaba bilang isang mababang krimen.

Bukod sa pagkakahuli sa kaniya dahil sa baril at ilang mga kalokohan sa kolehiyo, siya ay may iba pang problema bilang isang prospect.


Hindi na siya ka-explosive na athlete gaya ng dati at siya ay may negatibo pang wingspan, sa height niya na 6-foot-8 ½, ang wingspan naman niya ay 6-foot-7 ½ lamang.

Dati si Bates ay isang high-volume at mabisang scorer na mayroong 47.4% shooting mula sa 2-point range, 33% naman mula sa tres, at 78.2% naman mula sa free throw line, mga KaDribol.

Dati siya ay isa sa magagaling na prospect, subali't ang kaniyang naging kakulangan sa production at development ang nagpahinto sa kaniyang status sa NBA, kaya naman siya ngayon ay nahulog na sa ikalawang round  ng NBA Draft.


Pero kahit na ba ganoon, ang mapunta itong si Emoni Bates sa Lakers ay makabuluhan pa rin naman.

Kailangan ng Lakers ng mga guards at mga wings sa draft, bilang kapalit kapag nawala sa kanila itong mga free agents na sina D'Angelo Russell, Austin Reaves at Rui Hachimura, o kaya ay pandagdag sa kanilang koleksiyon, at mabigyan ang kanilang grupo ng karagdagang firepower at versatility mula sa bench.

Si Bates ay may size, skill at shooting ability na pupwedeng maging isang elite scorer sa hinaharap, at kapag hindi siya ang primary focus ng opensa, ang kaniyang scoring ay pupwedeng mag-improve sa susunod na level, mga KaDribol.


Magaling din siyang ball-handler at pupwede rin siyang mag-take over sa mga duties sa second unit kapag kinakailangan.

Overall, si Emoni Bates ngayon ay mukhang isang bench scorer sa susunod na level, pero kahit papaano, may ilan pa rin namang high-level talent na nasa kaniya pa na nakita ng mga scouts nu'ng siya ay nasa high school pa.

May mga hindi magaganda mang nangyari sa kaniyang college career, pero bilang isang pro player na, na may kakayahang trabahuhin ang kaniyang game, may pag-asa nga itong si Bates na mapili sa draft.


At walang nakakaalam sa daang dinaanan ni Bates na mas mabuti pa kaysa kay LeBron James, mga KaDribol.

Si Bates ay isa sa mahahalagang bato ng Class 2021, na halos kahalintulad ng kay LeBron noon, bilang isang prep player at NBA Draft prospect.

At kapag nagawa ni LeBron na madala si Bates sa ilalim ng kaniyang pagtuturo at maipakita sa kaniya kung paano niya mailalabas ang kaniyang mataas na potensiyal gaya nu'ng dati, posibleng maging starter pa itong si Bates o kaya ay isang star kapag bumalik ang kaniyang groove sa paglalaro.


Sa magaganap na draft, kailangang mabalanse ng Lakers ang mga players na magagamit nila agad at mga players na may taglay nang kakayahan na dalhin ang maiiwan nina LeBron James at Anthony Davis kung sakaling mawala na sila sa Lakers sa hinaharap.

Wala mang katiyakan kung pasok sa ganoong kategorya itong si Emoni Bates, subali't kung titignan natin ang ibang mga prospects na mahuhulog sa pang-no.47 pick, walang mas gagaling pa kaysa kay Bates.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.