Sinabi ito ni Erik Spoelstra matapos na manalo ang Heat sa Game 7 laban sa Celtics.



Sinabi ito ni Erik Spoelstra matapos na manalo ang Heat sa Game 7 laban sa Celtics.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang sinabi na ito ni Jimmy Butler patungkol sa naging magandang paglalaro ni Caleb Martin sa Game 7.

Maituturing nga natin na bayani si Caleb Martin sa Game 7 para sa Miami Heat, dahil na rin sa magandang paglalaro na ipinamalas niya upang hindi na rin makabalik pa sa game ang Boston Celtics, mga KaTop Sports.


Gayun pa man, habang tayong lahat ay nagulat at namangha sa inilaro ni Martin, si Jimmy Butler at mga kasama niya ay hindi na raw ikinagulat iyon.

Ibinahagi nga ni Butler pagkatapos ng kanilang panalo sa Game 7 na alam na raw nilang lahat ang kayang gawin ni Martin, at nakita na raw nila sa kanilang mga pagpapraktis, na kaya talagang ipasok ni Martin ang mga tirang ginawa niya sa game, kaya't hindi na nila ikinagulat pa iyon.

At sa mga hindi raw nakakaalam, ang alam lang nila kay Martin ay isang undrafted na player na galing sa G League, na nagsimula sa Charlotte Hornets at ngayon ay kasama na raw nila sa Miami, na nagsimula sa isang two-way contract, ganoon lang daw kilala ng iba si Martin, mga KaTop Sports.


Pero para raw sa kanila, isa raw napakalupet na player itong si Martin, magaling dumipensa, magaling na playmaker, magaling na shotmaker, at lahat na, ang sabi ni Butler patungkol kay Martin.

Nakita raw ng lahat na tinrabaho talaga ni Martin ang ganoong mga tira araw-araw, kaya hindi na raw nila ikinagulat pa iyon dahil nakikita nila iyon kay Martin araw-araw, at masaya raw itong si Butler para kay Martin.

Sa palagay pa raw ni Butler na mas magiging mahusay pa si Martin sa pagpasok nila sa susunod na round, at panigurado hindi na raw natin ikagugulat pa iyon, pagpapatuloy pa ni Butler, mga KaTop Sports.


Nagtapos si Caleb Martin sa game na may 26 points, 68.8 percent mula sa field, 10 rebounds, 3 assists at isang steal, 4-of-6 siya mula sa tres at may isang turnover, sa loob ng 44 minutes na paglalaro.

Pumangalawa siya sa scoring sa kanilang team, ang nanguna ay si Jimmy Butler na may 28 points.

Pero hindi maitatanggi na si Martin ang pinala epektibo sa lahat ng miyembro ng kanilang koponan, at kamuntikan pa niyang maagaw kay Butler ang trophy ng Eastern Conference Finals MVP, mga KaTop Sports.


At gaya nga ng sinabi ni Butler, isang malupet na player talaga itong si Martin, at hindi na dapat natin pang ikagulat kung muli na naman pumutok ang kaniyang paglalaro, na kayang-kaya namang gawin ni Martin kahit kailan.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?

At para naman sa sinabi ni Erik Spoelstra matapos na manalo ang Heat sa Game 7 laban sa Celtics, mga KaTop Sports.


Una, hindi naisip ng karamihan na ang Miami Heat ay makakaabot ng ganito kalayo ngayong taon sa playoffs.

At hindi rin naisip ng karamihan na tatalunin nila ang Milwaukee Bucks, ang New York Knicks at ang Boston Celtics.

Ang tangi lang siguro na higit na naniwala dito ay si Erik Spoelstra at ang buong organisasyin ng Miami Heat, mga KaTop Sports.


Muli na naman nga tayong ginulat ng Miami nang sila nga ay opisyal nang nakaabante para sa NBA Finals matapos na talunin na ang Celtics sa Game 7 ng East Finals.

Si Spoelstra ay pampitong coach sa kasaysayan ng NBA na nakaabot ng Finals nang anim na beses na, at ngayon ay susubukan na makuha ang kaniyang ikatlong kampeonato bilang head caoch ng Miami Heat.

Palaban at matatag ang dalawang salita na makikita sa koponan ng Heat, at pinatotohanan naman ito ni Spoelstra sa kaniyang naging mga mensahe pagkatapos ng Game 7, mga KaTop Sports.


Mayroon daw silang magagaling na mga palaban na manlalaro sa kanilang locker room, ang sabi ni Spoelstra, na gustong gusto raw ang mga challenge.

Gustong-gusto raw ng kaniyang mga manlalaro na lumabas at magpamalas ng kahusayan sa harap ng mga tao, at bukas daw sila sa kritisismo, bukas sa lahat, at handang labanan iyon, at iyon daw ang kagandahan doon, dagdag pa ni Spoelstra.

Matapos nga na makalamang ang Heat sa serye ng 3-0, biglang nanganib sila ng manalo naman ng tatlong magkakasunod ang Celtics, mga KaTop Sports.


Pero dahil ipinakita nila na hindi sila basta susuko sa laban, nakabalik sila kung saan sila nagsimula sa serye sa Game 7, at nagawa nga nila na makaabante sa NBA Finals.

Marami raw manlalaro itong si Spoelstra na pawang mga palaban, kahit saan daw sila dalhin, lalaban daw sila, pagpapatuloy pa ni Spoelstra.

At wala raw silang pakialam sa sasabihin ng buong mundo sa kanila, dahil bukas nga daw sila sa anomang kritisismo at wala raw silang pakialam kahit sino pa ang bumatikos sa kanila, mga KaTop Sports.


Kailangan lang daw nilang lumabas upang maglaro at alamin kung papaano mapapabuti ang lahat, iyon daw ang nature ng kanilang koponan, kaya naman sila ay ginagalang daw ng mga tao.

Nagkaroon man daw sila ng mga setbacks, disappointments at frustration, pero patuloy pa rin daw silang bumabangon at patuloy na lalaban sa kasunod na laban.

At ang kasunod na laban na kakaharapin ng Heat ay ang huling laban na sa kanilang season, at hinihintay na nga sila ng kanilang makakalaban na Denver Nuggets sa Finals, mga KaTop Sports.


At muli, papasok na naman ang Heat sa isang serye sa playoffs na sila ang underdogs, pero dahil sa natutunan na natin sa koponan ng Heat ang mga bagay na kaya nilang magawa, may chance talaga sila na maipanalo ang kahit na anong laban.

Sila ay matatag, naglalaro ng pisikalan at ang pinakamahalaga, nalalaman nila na may kakayahan sila na manalo sa kahit na kaninong koponan sa liga, kaya naman ang Heat ay isang mapanganib na koponan sa pagpasok ng Finals.

Pero malakas din naman na koponan ng Denver Nuggets, na pinangungunahan nina Nikola Jokic at Jamal Murray, kaya anything goes talaga sa dalawang koponan na ito.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.