Sinabi ito ni Erik Spoelstra matapos na matalo ang Heat sa Game 6 ng East Finals laban sa Celtics.



Tatlong segundo na lang ang natititra sa laban, mga Katop Sports, at lamang ng isang puntos ang Miami Heat sa Boston Celtics, at natatanaw na ng Heat ang pagpasok nila ng NBA Finals sa mga sandaling iyon.

Pero ang game ay hindi pa nga tapos hanggang hindi pa natatapos, at nagawa pa ni Derrick White na matapik ang bola galing sa sablay na tira papasok ng ring, na may 0.1 seconds pa yata ang natira sa oras, kaya't nakuha ng Celtics ang panalo sa Game 6.

Matapos nga na makalamang ang Heat ng 3-0 sa serye, ang Celtics naman ngayon ang nanalo ng tatlong sunod, at nagawa nila na madala sa isang winner takes all scenario ang Eastern Conference Finals, sa ikalawang sunod na, na season.


Hindi nga naging madali para sa Heat ang serye nilang ito, mga Katop Sports, at ang pagkatalo nila sa Game 6 ay isang masakit na pagkatalo talaga.

At dahil doon, ipinangako ni head coach Erik Spoelstra na ang Heat ay magiging handa na para sa final game  nila sa East Finals bago magsimula ang NBA Finals.

Tama naman daw ang ginawa ni Max Strus na papuntahin ang bola kahit kanino h'wag lang kay Jayson Tatum, ang sabi ni Spoelstra pagkatapos ng game.


Nasa isip daw nila, at umasa sila, na magawa nila ang tamang mga bagay, pero iba raw ang nangyari, mga Katop Sports, at iyon daw ang tanging lugar na maaring tumalbog upang saktan sila, at kung titignan, ganoon na raw ang nagyayari buong season.

Hindi raw naging madali ang serye para sa kanila, at ngayon daw, hindi na raw alam ni Spoelstra kung papaanong tatapusin ang laban, pero pupunta raw sila doon sa Boston at tatapusin na ang lahat, dagdag pa ni Spoelstra.

Kung papaano nga natalo ang Heat sa Game 6 sa kanila mismong tahanan, at ang pagpunta nila sa NBA Finals ay nasa kanilang mga kamay na sana ay napakahirap talagang matanggap ng kanilang prankisa.


Pero ang ideya ng unang makakuha ng apat na panalo ay nananatili pa rin naman sa magkabilang koponan.

Ang Miami ay nanalo ng tatlong sunod, at ngayon naman, mga Katop Sports, ang Celtics naman ang nanalo ng tatlong sunod.

At kung sino ang magpapakita ng maigting na kagustuhan na manalo sa Game 7, sila ang magrerepresenta ng Eastern Conference ngayong taon para sa NBA Finals, at si Spoelstra ay handa na para doon.


Wala raw naging madali sa kanila ngayong season, kaya kailangan daw nilang gawin iyon sa mahirap na paraan, pagpapatuloy pa ni Spoelstra.

Ganoon na raw ang nangyayari sa kanilang grupo at nais na raw nilang maalis na sa bagay na iyon, mga Katop Sports.

Sa ngayon daw, gusto na nilang maalis sa bagay na iyon at maglaro na uli ng 48 minutes, pero kailangan pa raw nilang maghintay ng apatnaput-walong oras upang magawa na iyon sa Boston.


Ang magandang balita dito para sa Miami ay naharap na sila sa ganitong senaryo dati, Gaya nu'ng nakaraang season, nagharap ang dalawang ito sa conference finals at ang Game 7 ay inilaro sa Miami.

At napagwagian ng Celtics ang laban at sila ang nakaabante sa NBA Finals, mga Katop Sports, pero ngayon taon, baka maiba na ang istorya.

Sina Caleb Martin, Gabe Vincent at Duncan Robinson ay talaga namang nag-stepped up para sa Heat sa kanilang mga naging laban.


At kahit na ba na sina Jimmy Butler at Bam Adebayo ay nahirapan sa Game 6, kamuntikan pa ring nakuha ng Miami ang panalo.

Kung makukuha lang ng Heat ang production na nakukuha nila sa kanilang mga stars at ganoon din naman sa kanilang mga secondary talents, may kakayahan talaga ang Heat na makabawi sa naging pagkatalo nila nu'ng nakaraang taon.

Ang Game 7 ng sagupaan ng Heat at ng Celtics ay magaganap sa darating na Martes, May 30, 8:30 ng umaga, Pinas time.


Ano ang masasabi niyo rito, mga Katop Sports.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.