Silang apat daw ang dahilan kung bakit nawalis ang Lakers sa West Finals laban sa Nuggets.
Winalis nga ng Denver Nuggets ang Los Angeles Lakers sa Western Conference Finals, mga KaDribol.
Nanalo ang Nuggets sa Game 4 ng serye sa score na 113-111 nu'ng Martes, May 23, 2023, upang makaabante na sa NBA Finals sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng kanilang prankisa.
Ngayon ay pag-uusapan natin ang apat na miyembro ng Lakers na sinasabi ng karamihan na dapat sisihin kung bakit sila ay nawalis sa West Finals.
Sa kabila ng nakakahangang average ni LeBron James na 27.8 points per game, dinaig pa rin sila ng mas bata at mas determinado na koponan ng Nuggets, mga KaDribol.
Si Nikola Jokic, ang star player ng Nuggets ay ang nanguna sa kanilang tagumpay, na nag-averaged ng 27.8 points, 14.5 rebounds at 11.8 assists per game.
Hirap din kasi ang Lakers na mapigilan ang Nuggets sa 3-point, na ang Nuggets ay naikonekta ang 40.3 percent ng kanilang mga itinira sa tres at naipasok ang kanilang 14.5 na tres kada laban.
Ang pagkatalo na iyon ng Lakers ay nagmarka bilang isang nakakadismayang kunklusiyon sa kanilang magulong season, mga KaDribol, na nagpakita ng kaunting pag-asa sa hindi inaasahan nilang pagtakbo sa playoffs.
Upang mabawi nila ang kanilang posisyon sa playoffs sa susunod na season, kailangan ng Lakers na maayos ang kanilang pagkukulang sa depensa at makahanap pa sila ng mas higit na ambag sa kanilang mga manlalarong pangsuporta.
At kapag naisaayos nila ang mga iyon, ang Lakers ay magkakaroon talaga ng potensiyal na maging mabigat na pwersa sa Western Conference sa darating na season.
Sa ngayon, mga KaDribol, dapat muna nilang tignan kung papaano nagtapos ang kanilang season at subukang tignan kung papaano sila humina.
Narito ang apat na tao na itinuturo ng karamihan na karapat-dapat daw umako ng responsibilidad para sa naging paghihirap ng Lakers sa serye nilang iyon.
Una ay si Darvin Ham.
Ang kauna-unahang West Finals ni Darvin Ham bilang head coach ng Lakers ay nagtapos sa isang nakakadismayang 4-0 na pagkawalis sa Nuggets, mga KaDribol.
Habang may mga positibo namang nakita kay Darvin Ham, gaya ng paglitaw ng mga batang players na sina Austin Reaves at Rui Hachimura, may mga lugar daw na dapat sana ay may mas nagawang maganda itong si Darvin Ham.
Maging ang depensa ay naging problema para kay Darvin Ham, na ang Lakers ay patuloy na nahirapang pigilan ang Nuggets namakaiskor sa loob ng pintura at napababayaan nila ang Nuggets na makatira sa mataas na pursiyento.
At kahit na ba sumubok pa si Darvin Ham ng mga pagbabago sa kanilang lineup, mga KaDribol, nakahanap pa rin ng tagumpay ang Nuggets laban sa mahinang depensa ng Lakers.
Naharap din itong si Darvin Ham sa mga pagbatikos dahil sa mga ginawa niyang pagbabago habang nasa laban, na ang Lakers ay palaging kinapos ng kaunti sa Nuggets sa kabuoan ng serye.
Habang ang serye ay naging hamon, si Darvin Ham, bilang isang batang head coach ay nagtataglay din naman ng magandang potensiyal.
Nagtataglay siya ng ilang positibong aspeto habang nasa playoffs at may pagkakataon siya na matututo sa kaniyang mga pagkakamali upang makabalik sa susunod na season na mas malakas na, mga KaDribol.
At ito ang mga lugar na dapat mapalago raw ni Darvin Ham, una ay ang paglalaan ng maraming minuto sa kaniyang mga big men, ikalawa ay ang pag-eeksperimento sa kaniyang rotations at ang ikatlo ay ang mga napapanahong ajustments habang nasa laban.
Ikalawa ay si D'Angelo Russell.
Ang naging paglalaro nga ni D'Angelo Russell sa West Finals ay isang bagay na hindi kahanga-hanga.
Siya ay nag-averaged lamang ng 6.3 points per game, 32.3% shooting mula sa field at 13.3% naman mula sa tres, mga KaDribol.
Marami nga ang nag-isip na siya na ang magiging no.3 option ng Lakers sa serye, pero hindi ganoon ang nangyari.
Nahirapan talaga si Russell na mahanap ang kaniyang rhythm laban sa matinding depensa ng Nuggets, na nagresulta upang mahirapan din siya na gumawa ng kaniyang mga tira.
At ang mga pagkukulang ni Russell ay malaki rin talaga ang naidulot kung bakit nawalis ang Lakers ng Nuggets, mga KaDribol.
Kaya't kailangang mas mapabuti pa niya ang kaniyang paglalaro para sa harangin ng Lakers na magkampeon sa hinaharap.
Pabutihin pa raw niya na mas maging mapilit siya na gumawa ng opensa at pataasin ang bisa ng kaniyang shooting.
Ikatlo ay si Dennis Schroder, mga KaDribol.
Ang magandang paglalaro naman ni Schroder sa West Finals ay naging lilitaw-lulubog.
Siya ay nag-averaged lamang ng 7 points per game, 2.8 rebounds, 2.8 assists at 1 steal.
Habang nakapagbigay naman itong si Schroder ng mahahalagang ambag sa opensa, mga KaDribol, ang kaniyang paghihirap naman sa pagdepensa ay kitang-kita.
Naharap siya sa isang mabigat na hamon na bantayan si Jamal Murray, na ang naging resulta, si Murray ay nagtapos sa serye na may averaged na 32.5 points per game, na may magandang shooting percentage.
Malaki talaga ang naging epekto ng hirap sa pagdepensa ni Schroder sa pagkakawalis ng Lakers sa serye laban sa Nuggets.
Kaya naman, mga KaDribol, dapat mapataas pa niya ang antas ng kaniyang pagdepensa, kung ibig niya na manatili pa rin siya sa isa sa mahahalagang tagapag-ambag ng Lakers sa susunod na season.
Ang mga dapat pa raw pagbutihin ni Schroder ay ang kamulatan niya sa tendencies ng kanilang kalaban at pagbutihan pa ang pakikipagkomunikasyon sa kaniyang mga kakampi.
At ang ikaapat ay si Anthony Davis.
Ang naging paglalaro naman ni Davis sa West Finals ay magkahalong okay at hindi okay, mga KaDribol.
Siya ay nag-averaged doon ng 26.8 points per game, na may 49.3% shooting mula sa field, 14 rebounds at 2.8 blocks.
Habang nakapagbigay naman ng malaking numero itong si AD, nahirapan naman siya pagdating sa pagdepensa, lalo na ang depensahan itong si Jokic.
Dahil si Jokic ay paulit-ulit lang na nakahanap ng paraan upang siya ang maging anchor ng opensa ng kanilang koponan, mga KaDribol.
Nakagagawa siya ng mga tira sa harapan ni AD, at hindi talaga siya mapigilan kahit gawin na ni Davis ang lahat ng kaya niyang gawin, mapigilan lang si Jokic.
Sa Game 1, kitang-kita doon ang hirap ni Davis sa pagdepensa kay Jokic, na nahayaan niya na maging dominante sa game si Jokic, na nakapagtapos na may 34 points sa kaniyang 12-of-17 shooting, at nagkaroon pa doon si Jokic ng 21 rebounds at 14 assists.
Ang paghihirap na mapigilan ni Davis si Jokic ay nagpapatunay lamang na mas mahusay si Jokic sa kaniya sa seryeng iyon, mga KaDribol.
At sa tunggalian ng dalawang pinakamagaling na big men sa NBA, malinaw na itong si AD ang mas may kailangan pang pagbutihin kaysa kay Jokic.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?
Comments
Post a Comment