Si Kyle Lowry ang naging tahimik na bayani sa Game 4 ng laban ng Heat sa Knicks.
Ang Miami Heat, sa kabila na pumasok sa playoffs na pang-8 seed sa Eastern Conference, ngayon ay isang panalo na lang ang kailangan nila at makakabalik na muli sila sa Eastern Conference Finals, at kung sakali, magiging pangatlo na nila ito sa apat na seasons.
Na protektahan nila ang kanilang homecourt laban sa New York Knicks, kaya naman ngayon, sila ay una na sa kanilang serye, 3-1, at ang dapat pasalamatan ng Heat ay ang kanilang superstar na si Jimmy Butler.
Bagaman na na-injured ni Butler ang kaniyang paa n'ung Game 1, at hindi siya nakapaglaro n'ung Game 2, ay agad naman siyang nagkaroon ng magandang paglalaro sa pagbalik niya n'ung Game 3 na may 28 points, at muli na naman siyang nagpamalas ng magandang paglalaro sa Game 4, na may 27 points, 6 rebounds at 10 assists.
Pero para kay Butler, hindi lang daw dahil sa kaniya kaya nakuha nila ang panalo, ang basketball daw kasi ay isang team sport, at ang kaniyang mga kakampi raw ay may kani-kaniyang ginampanan para sila ay manalo.
Isa sa partikular na player na nakalagpas sa inaasahan sa kaniya sa playoff run ay itong si Kyle Lowry, na naglalaro na animo'y palaging may pasan sa kaniyang balikat upang patunayan na hindi pa lumipas ang kaniyang pagiging floor general, at alam ito ni Butler.
Pagkatapos ng kanilang panalo sa Game 4, pinuri ni Butler ang malakas na pagsisikap ni Lowry sa kanilang bench.
Ipinunto ni Butler ang mga naiaambag ni Lowry sa loob ng court, at ang naibibigay niya bilang isang kampeon na point guard, na nagtataas ng epekto sa kanilang grupo na huwag basta na lamang susuko sa laban.
Gustong-gusto raw ni Butler si Lowry, isa raw siyang winner, at umaangkop daw talaga si Lowry sa kanila, at hindi rin daw makasarili si Lowry.
Kahit ano raw ang hilingin kay Lowry, maging starter man o mula sa bench, ay nagiging mabisa raw siya dahil sa siya raw ay isang kampeon at nagawa na raw dati iyon ni Lowry.
Alam din daw ni Lowry kung papaano mananalo, at gusto raw nila na manatiling ganoon si Lowry, palaging masaya, at tulungan sila na makakuha ng mga panalo.
Si Gabe Vincent na nga ang naging starting point guard ng Heat sa postseason, pero si Kyle Lowry pa rin ang nag-iistepped up para sa kanila sa mga dulo ng laban, kasama si Butler.
Sa Game 1, si Lowry ang nakapuntos galing sa isang mahirap na tira upang masigurado na ang panalo ng kanilang koponan, matapos na matapilok itong si Jimmy Butler.
Ang mga huling buwan nga ng regular season ay hindi naging madali para kay Lowry, pero ang abilidad niya na laging maging handa sa mga malalaking sandali ng bawa't laban, ang lalong nagpapaging mapanganib na koponan ng Miami Heat.
Comments
Post a Comment