Si Jayson Tatum lang ang nakagawa ng ganito sa Boston Celtics ng talunin nila ang Sixers sa Game 7.



Pinagdududahan nga ng ilan ang kakayahan ni Jayson Tatum dahil sa hindi tuloy-tuloy na maganda niyang paglalaro sa serye nila laban sa Philadelphia 76ers.

Maari siyang pumutok bigla at alam natin iyon, pero may posibilidad din na magkaroon siya ng hindi magandang paglalaro, gaya ng umiskor lamang siya ng 7 points dahil sa nagkaroon siya ng pangit na shooting.

Mabuti na lang at nakuha ng Boston Celtics ang pinakamagaling na Jayson Tatum sa panahong kailangan nila, sa isang do-or-die Game 7 laban sa Sixers.


Hindi lamang dinomina ni Tatum si Joel Embiid at ang Sixers kundi nakagawa pa siya ng kasaysayan sa prankisa ng Boston Celtics.

Sa pagtatapos palang ng third quarter, si Tatum ay nakagkaroon na ng 42 points, 10 rebounds at limang tres, at siya ang unang player sa kasaysayan ng prankisa ng Boston na nagkaroon ng 40 points, 10 rebounds at limang tres sa postseason.

Hindi ito nagawa ng mga nauna sa kaniya na mga alamat na ngayon ng Celtics na sina Larry Bird at Paul Pierce.


At kahit na ba nakagawa pa ang dalawa ng 40 points at 10 rebounds sa isang game sa postseason, pero ang naging kaibahan sa kanila ni Tatum ay ang kaniyang long-range shooting.

Si Tatum ay nagtapos na may 51 points, 13 rebounds, 5 assists at 2 steals, 6-of-10 mula sa tres at 11-of-14 sa free throw line.

Isang kahanga-hangang paglalaro talaga ang ipinamalas ni Tatum sa harapan ng kanilang home crowd, at dinaig talaga niya ang kasalukuyang MVP na si Joel Embiid.


At hindi lang iyon ang record na nabasag ni Tatum, dahil hindi lang sa naitakda niya ang bagong scoring record para sa Game 7, kundi napasama din siya kina John Havlicek, Isaiah Thomas, Ray Allen, Sam Jones at Bob Cousy na mga players ng Celtics na nagkaroon ng 50-point game sa postseason.

Napakaganda at kahanga-hangang paglalaro talaga ang naipamalas sa atin ni Jayson Tatum, at kung magpapatuloy siyang ganito, malaki ang tyansa nila na makapasok sa NBA Finals at talunin nila ang koponan ni Jimmy Butler, ang Miami Heat.

Ang Game 1 sa sagupaang Celtics at Heat ay magaganap sa darating na Huwebes, May 18, 8:30 ng umaga, Pinas time.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.