Serye sa pagitan ng Warriors at Lakers nagtala ng kasaysayan sa telebisyon.
Ang serye sa pagitan ng Golden State Warriors at Los Angeles Lakers ay hindi talaga tayo ipinahiya, mga idol, kapuwa sa laro at maging sa ratings sa telebisyon.
Dahil talaga namang pinanood ng mga fans ang sagupaan ng dalawang koponang ito hanggang makaabot ng Game 6, kung saan pinabagsak nga ng Lakers ang Warriors sa West Semifinals.
Nakapagtala ang serye ng Warriors at Lakers ng pinakamataas na TV ratings na kaytagal nang hindi nakita, nasa dalawa't kalahating dekada na.
Ayon sa kasalukuyang datos, mga idol, ang serye ng Warriors at Lakers ay nag-averaged ng 7.8 million viewers sa ABC, ESPN at TNT, ayon iyan sa NBA Communications.
Ang napakalaking manonood na iyon ang naging pinaka-pinanood na Conference Semifinals sa nakalipas na dalawamput pitong taon.
Pero hindi na natin dapat pang ikagulat ang naabot na record na iyon ng serye ng Warriors at Lakers, dahil sa inabangan naman talaga ang seryeng iyon sa simula pa lang, dahil sa malalaking koponan nga sa merkado ang dalawang ito, lalo na at may tunggalian nang nabuo sa pagitan ni LeBron James at ng Warriors.
Ang pagbubukas ng laban ng Warriors at ng Lakers ang pinaka-pinanood na Game 1 sa isang conference semifinals sa kasaysayan ng cable TV, matapos na mag-averaged ito ng 7.4 million viewers, mga idol.
At n'ung sumunod na laban, ang dalawang magkalabang koponan ay nakapagtala ng pinaka-pinanood na conference semifinals sa Game 2 sa platforms ng Disney, na nag-averaged ng 7.35 million viewers.
Ngayon, abangan na lang natin kung matatapan iyan ng magiging serye ng labanan sa West Finals, sa pagitan ng Lakers at ng Denver Nuggets.
May tyansa na malagpasan nga ng labanan ng Lakers at ng Nuggets ang mga numerong iyon dahil sa nangyari nga sa Lakers ngayong season at sa kasaysayan na rin ng playoffs na nagawa ng Lakers ngayon, mga idol.
At marami rin ang nag-aabang sa pagkuha ni LeBron ng kaniyang ikalimang titulo, at inaabangan na rin ang paghaharap ng dalawang pinakamagaling na big men ngayon ng liga, sina Anthony Davis at Nikola Jokic.
Ano ang masasabi niyo dito, mga idol?
Comments
Post a Comment