Salita ni Joel Embiid bumalik sa kaniya matapos na malaglag na sila sa playoffs.



Salita ni Joel Embiid bumalik sa kaniya matapos na malaglag na sila sa playoffs.

Pero bago iyan, Ito munang naging dahilan kung bakit natalo ang Sixers sa Celtics sa Game 7 ang ating pag-usapan.

Maraming bagay ang hindi naging maganda sa koponan ng Philadelphia 76ers sa Game 7 laban sa Boston Celtics kaya sila ay natalo.

At sa third quarter, doon talaga sila nagdusa ng husto, kaya naman madali silang tinalo ng Celtics sa score na 112-88.


Sa umpisa, naging dikitan naman ang labanan ng dalawa, na nagtapos nga ang first half na ang Celtics ay may hawak ng tatlong puntos na kalamangan lamang.

At doon na nga nagbago ang lahat sa third quarter, dahil nalimitahan ng Celtics ang Sixers na makaiskor lamang ng 10 points, samantalang nakuha naman nila ang kanilang best scoring quarter na 33 points.

Napakababa ng naiskor na iyon ng Sixers sa isang quarter, at mahirap talagang manalo kung ganoon lamang ang maitatala nilang score.


Kaya wala nang ibang masisisi pa ang Sixers dito kundi ang kanilang mga sarili, dahil maging sina Joel Embiid at James Harden ay wala ring naging epekto sa game, at kung kailan kailangan sila ng Sixers, tsaka pa sila sabay na naglaho.

Si Harden ay umiskor lamang ng 3 points sa third quarter at ang mas malala, bokya naman siya sa final period.

At si Embiid naman ay bigo rin na mailabas ang lakas niya sa pag-iskor, at nagtapos siya sa second half na may 2 points lamang na nagawa.


Ngayon ang Sixers ay magtutungo sa offseason na tangan ang kayraming katanungan, gaya na lang ng kung pananatilihin pa ba ng Sixers sa kanila si Doc Rivers?

Kung si Harden ba ay aalis na sa Sixers o iti-trade? O si Embiid ba ay hihiling na na umalis na sa Sixers?

Pagkatapos ng kabiguan na ito sa kanila, marami talaga ang posibleng mangyari.


Patungkol naman sa salita ni Joel Embiid na bumalik sa kaniya matapos na malaglag na sila sa playoffs.

Dapat na ngang mag-ingat sa susunod itong si Joel Embiid sa kaniyang mga sinasabi, dahil hindi niya alam kung kailan iyon babalik sa kaniya.

Natuto na siguro itong si Embiid ng matalo nga sila sa Boston Celtics sa Game 7 ng kanilang serye.


Sa mga nakakaala-ala pa, may sinabi itong si Embiid n'ung March na wala siyang pakialam sa pressure na inilalagay sa kaniya ng mga tao dahil daw sa hindi pa siya nagiging MVP o kaya ay napapasama sa All-NBA First Team.

Pinatamaan pa niya n'on si Nikola Jokic, at sinabi niya na, bakit magkakaroon ng pressure sa kaniya, kung meron naman daw na naging two times MVP na o higit pa, pero wala rin namang nagawa pa.

At ngayong season nga ay napagwagian na ni Embiid ang pagiging MVP at napasama na rin siya sa All-NBA First Team, pero hindi niya naibigay ang inaasahan sa kaniya, at naglaho pa siya sa oras na kailangang-kailangan siya ng Sixers.


Ang masaklap pa dito, nakalamang na sa serye ang Sixers na 3 to 2, at may dalawang pagkakataon sila na maisara na ang serye at hindi nga nila nagawa.

At ang naging dating tuloy ay parang naging kontento na sina Embiid at Harden na nakaabot na sila sa semifinals.

Nagtapos lamang si Embiid na may 15 points, 8 rebounds, 1 assist at 2 blocks, at ang nagpalala pa doon, 2 points lang ang nagawa nga niya sa second half.


Mukhang si Embiid mismo ang naglagay ng pressure sa kaniyang sarili, matapos na maliitin niya ang naabot ng iba, at ang pinatatamaan niya noon, ngayon ay nasa West Finals na, at siya, pahinga na.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.