Prediction ni Magic Johnson sa labanang Lakers-Warriors nagkatotoo sa Game 1.



Matapos na makuha ng Golden State Warriors ang kanilang ticket sa 2nd round ng playoffs laban sa Los Angeles Lakers, mga KaDribol, si Magic Johnson ay nag-predict na ang showdown sa pagitan ng dalawa ay magreresulta sa napakataas na TV ratings, at naging tama nga ang prediction na iyon ni Magic Johnson.

Naganap nga ang Game 1 ng sagupaan ng Lakers at ng Warriors n'ung Miyerkules, at gaya nga ng sinabi ni Magic Johnson, milyon-milyon ang nanood sa laban nilang iyon.

Katunayan, nakagawa pa nga iyon ng kasaysayan bilang pinaka-pinanood na Game 1 sa isang conference semifinals sa lahat ng panahon.


Nakahakot ang labang Lakers-Warriors ng 7.4 million viewers, mga KaDribol, at iyon nga ay naging "most-watched conference semifinal Game 1 in cable television history."

Hindi naman na kataka-taka pa ito, dahil ang tapatan ng Lakers at ng Warriors sa playoffs ay makasaysayan naman na talaga.

At hindi naman tayo nabigo sa panonood ng naging laban nila, dahil ang magkabilang koponan ay nagpamalas na isang napakagandang paglalaro.


Muntikan pa ngang makabalik sa game ang Warriors at dalhin sa overtime ang laban, mga KaDribol, kaso nga lang ang isang mala-bayaning tira ni Jordan Poole ay sumablay, na talaga namang pinanghinayangan ng Dub Nation.

Nakuha nga ng Lakers ang panalo sa score na 117-112, na sila ay pinangunahan ni Anthony Davis, na nagtapos na may 30 points, 23 rebounds, 5 assists at 4 blocks.

Habang si LeBron naman ay nagkaroon ng 22 points, 11 rebounds, 4 assists at 3 blocks, na sadyang nakatulong sa Lakers upang makuha nila ang panalo.


Asahan na natin na dahil ang Game 1 ay nakakuha ng napakaraming manonood, mga KaDribol, posible na ang mga susunod pa nilang laban sa serye ay mabasag n'ung mga iyon ang kasulukuyang TV record ngayon.

Parehong may napakalaking fanbase ang Lakers at ang Warriors sa buong mundo, at dito nga lang sa Pinas ay mapapatunayan na natin iyan, kaya hindi malayong mangyari na marami talagang manonood sa laban nila, at makagagawa talaga ang laban nilang ito ng mga makasaysayang TV records.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.