Pangit na playoff streak ng Lakers na nagpapatuloy pa rin ng walisin sila ng Nuggets sa West Finals.
Pangit na playoff streak ng Lakers na nagpapatuloy pa rin ng walisin sila ng Nuggets sa West Finals.
Pero bago nating pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong record na nakuha ni LeBron James na pumarehas sa record ni Kobe Bryant sa Lakers.
Bago sumapit ang Game 4 kung saan kailangang-kailangan nang manalo ng Los Angeles Lakers dahil sa ang Denver Nuggets ay may kalamangan na sa serye na 3-0, sinabi ni Nikola Jokic na dapat pa rin silang mag-alala sa kung ano ang maaaring gawin ni LeBron James makuha lamang ang panalo, at ang sinabi na iyon ni Jokic ay ipinakita nga ni LeBron sa first quarter.
Maagang naging dominante nga nitong si LeBron sa game, na siya ay nakaiskor agad ng 21 points sa pagbubukas ng unang 12 minutes ng laban, at nagkaroon ng 7-of-9 shooting mula sa field.
Maganda rin ang naging pagpukol niya mula sa tres sa first quarter, na siya ay nagkaroon doon ng 4-of-4, at inaatake din niya ang basket.
Sa pag-iskor ni LeBron ng 21 points sa isang quarter, pumarehas na siya sa naiskor ni Kobe Bryant sa may pinakamaraming naipuntos sa isang quarter sa playoffs sa mga players ng Lakers magbuhat pa nu'ng taong 1997.
Ang performance ni Kobe ay nangyari taong 2010, sa pagbubukas ng Western Conference Finals laban sa Phoenix Suns, na siya ay nagkaroon ng 21 points sa third quarter.
Nagtapos si Kobe sa game na iyon na may 40 points at pinangunahan ang Lakers sa 20 points na panalo.
Naitabla rin ni LeBron ang kaniyang pinakamaraming points sa isang quarter sa 21 points niya sa first quarter, na nagawa niya sa tatlong okasyon, at ang lahat ng okasyon na iyon ay nangyari sa first quarter.
Pero ang magandang paglalaro na iyon ni LeBron sa first quarter ay hindi sapat upang makaahon pa sila sa 3-0 na pagkakalubog sa Nuggets, dahil mas higit pa do'n ang kailangan ng Lakers na hindi nga nila nagawa.
Ano ang masasabi niyo rito?
At para naman sa pangit na playoff streak ng Lakers na nagpapatuloy pa rin ng walisin sila ng Nuggets sa West Finals.
Isang maituturing na ngang tagumpay ang pagkakaabot ng Los Angeles Lakers sa Western Conference Finals, sa kabila ng mga pinagdaanan nila ngayong season.
Gayun pa man, para sa isang koponan na pinangungunahan ni LeBron James, ang makatungtong lamang sa conference finals ay isang bagay na hindi kumbinsido, lalo na kung ang season nila ay nagtapos sa isang pagkakabutata sa layup ni LeBron, na nagdala nga sa kanila na mawalis sa West Finals, sa mga kamay ni Nikola Jokic at ng Denver Nuggets.
Ang malubog nga sa playoffs ng 3-0 ay isang bagay na wala nang kapag-apag-asa dahil wala pa ngang koponan na nakabalik sa ganoong pagkakalubog.
Pero ibinigay naman ng Lakers ang lahat nilang makakaya upang subukang malagpasan ang isang iyon, pero nanatili pa rin ang kalagayan na iyon at wala pa ring nakapagpabago.
At ang Lakers, sa kasaysayan ng istorya ng kanilang prankisa ay hindi pa nanalo kahit isa sa playoffs habang nalubog sa 3-0 na kalamangan ng kalaban, ayon iyan sa ESPN Stats & Info.
Wala pa rin ngang nakukuhang panalo ang Lakers sa siyam na subok nila sa ganoong kalagayan, na naging isang record na sa may pinakamaraming talo habang nalubog sa 3-0 sa postseason.
Panigurado maraming salita ang tatanggapin ni LeBron dahil sa ito ang kaniyang kauna-unahan natanggap na nawalis sa playoffs habang suot ang uniporme ng Lakers.
Pero hindi siya nag-iisa sa mga nakalista na Hall of Famers ng Lakers na nakaranas ng pagkawalis sa postseason, maging ang ilang kampeon na mga stars ng Lakers ay hindi nagawang lagpasan ang 3-0 na pagkakalubog.
Taong 1977, si Kareem Abdul-Jabbar ay nahirapin din na buhatin ang Lakers na manalo, at winalis nga sila ng Portland Trail Blazers sa West Finals.
Taong 1999 naman nang itong si Tim Duncan at ang koponan ng San Antonio Spurs ay mabilis na tinapos ang kanilang trabaho kina Shaquille O'Neal at Kobe Bryant sa ikalawang round ng playoffs.
Taong 2011 naman, si Kobe Bryant bilang walang dudang best player ng Lakers sa panahong iyon ay nakaranas din na mawalis, at natapos ang pagdepensa nila sa kanilang kampeonato nang sila nga ay tinalo ng Dallas Mavericks.
Kaya naman ngayon ang mga fans ay naniniwala na, na ang Lakers ay walang kakayahan na makabalik sa 3-0 na pagkakalubog.
Gayun pa man, ang maharap sa ganoong pagkakalubog ay nangangahulugan lamang na ang nakalaban ng Lakers ay ang mas magaling na koponan.
At anoman ang maging kaso rito, ang 0-9 na record ng Lakers ay hindi isang bagay na maipagmamalaki mo talaga.
Ano ang masasabi niyo rito?
Comments
Post a Comment