Nikola Jokic nagbiro patungkol sa naging injury ni Jamal Murray matapos na tapusin na nila ang Suns sa West Semifinals.



Sa isang seven-game series, ang mga koponan sa playoffs ay kinukuha kahit na ang pinakabanayad na pag-uugali ng kanilang mga kalaban, kaya naman, ang misdirection, kung minsan ay ang nagiging susi sa labanan.

At mukhang ganiyan ang nangyari sa Denver Nuggets, nang sila ay magkaroon ng dominanteng laban sa Game 6, sa naging panalo nila sa Phoenix Suns.

N'ung inanunsiyo nila na si Jamal Murray ay magkakaroon lamang ng limitadong paglalaro dahil sa siya ay may sakit, marami na nga ang umasa na makukuha ng Suns ang panalo.


Pero dahil sa ang nakataya ay ang pag-abante nila sa Western Conference Finals, hindi pinalagpas ni Murray ang Game 6, na hindi siya makapaglaro, kahit na ba na may dinaramdam pa siya.

At naging maganda naman iyon para sa Nuggets, dahil sa loob ng 35 minutes na paglalaro ni Murray, siya ay nakapag-ambag sa Denver ng 26 points, sa kaniyang 7-of-16 shooting mula sa field, at naglaro na animo'y walang sakit na dinaramdam.

Pero ayon kay Nikola Jokic, ang lahat daw ng iyon ay batay sa pinlano ng kanilang koponan, dahil matapos na talunin nila ang Suns, nagbiro itong si Jokic na ang pagkakalagay raw ni Jamal Murray sa injury report ay isang paraan lamang upang linlangin ang Suns.


Pero biro lang ni Jokic 'yun, dahil may sakit naman talaga si Murray, at sabi nga ni Jokic, maglalaro raw itong si Murray kahit ano pa ang lagay niya, kahit na raw sa pinakamalalang kalagayan pa, kaya napakaganda raw na kasama itong si Murray sa kanilang paglalakbay.

Maging si Jokic ay naging maganda ang ipinakitang paglalaro, at patuloy pa rin niyang dinomina ang Suns, sa isa na naman niyang triple-double performance, 32 points, 10 rebounds at 12 assists.

Habang maraming maaasahan sa koponan ng Nuggets, hindi maikakaila na ang karamihang pinanggagalingan ng kanilang opensa ay galing kina Jokic at Murray.


Ang magandang galaw ng samahan ng dalawa ay makikita sa pamamagitan ng kanilang makatunaw-kaisipang dribble handoffs, pick-and-rolls at off-ball cuts, kaya naman naging isang mahusay na koponan itong Nuggets ay dahil na rin sa kanilang dalawa.

Ang naging kaibahan sa mga naging playoff runs ng Nuggets na kasama nila si Murray at hindi nila nakasama ay parang liwanag at dilim.

N'ung nawala si Murray upang itambal kay Jokic, nagkaroon ng problema noon ang Nuggets laban sa Phoenix Suns at Golden State Warriors sa dalawang pagpasok nila sa playoffs.


Pero ngayon na nakasama na nilang muli si Murray, may kakayahan na silang mapagwagian ang kampeonato ngayong taon.

At sa pagpasok na nila sa Western Conference Finals, maghihintay na lang sila kung sino ang makakaharap nila doon, kung ang Golden State Warriors ba o ang Los Angeles Lakers.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.