Nakakalungkot na balita ito para sa Warriors, Andrew Wiggins may bagong injury.
Sa ikalawang round ng serye para sa Golden State Warriors sa playoffs laban sa Los Angeles Lakers, mga idol, wala sa mga higit na inaasahan nilang mga players ang may injury.
Pero ngayon, mababago na ang lahat ng iyon, dahil si Andrew Wiggins ay nagkaroon ng injury, isang rib injury, kaya naman ang kalagayan niya para sa Game 6 ay nalagay na sa alanganin.
Inilista nga itong si Wiggins sa injury report ng Warriors bilang questionable para sa Game 6 dahil sa left costal cartilage fracture, isang parte ng buto sa may bandang ilalim ng ribcage.
Bagong injury nga ito para kay Wiggins, mga idol, na malamang ay nakuha niya n'ung Game 5, kung saan tinalo nila ang Lakers.
Sa ngayon, hindi pa masabi kung gaano kalala ang injury ni Wiggins, pero isang nakakabahalang bagay pa rin ito para sa Warriors, lalo na at inilista nga nila siya na questionable para sa Game 6.
Isa pa, baka iyon na ang huling game para sa Warriors ngayong season, dahil isang panalo na lang ng Lakers at laglag na sila sa playoffs.
Hindi talaga inaasahan ng lahat ito, na darating pala sa punto, mga idol, na kung kailan nahaharap sila sa pinakamahahalagang laban ngayong season, ay tsaka pa nangyari ito kay Wiggins.
Sana lang ay hindi ganoon kalala ang injury na iyon ni Wiggins at kayanin pa rin sana niyang maglaro sa Game 6.
Comments
Post a Comment