Mo Bamba makakapaglaro na ba para sa Lakers laban sa Nuggets sa West Finals?



Hindi pa nga naging factor ngayong playoffs para sa Los Angeles Lakers itong si Mo Bamba, mga KaDribol.

At ang 25-year old na sentro ay bahagyang nakapaglaro pa lang sa opening round laban sa Memphis Grizzlies at hindi naman siya nakapaglaro kahit isang minuto laban sa Golden State Warriors sa kabuoan ng ikalawang round.

Ang dahilan kung bakit siya ay hindi nakapaglaro sa naging serye ng Lakers sa Warriors ay dahil sa siya ay may injury sa paa, at mukhang ito rin ang magiging dahilan kung bakit hindi pa rin siya makakapaglaro sa Game 1 ng Western Conference Finals laban sa Denver Nuggets sa Miyerkules.


Sa ngayon, mga KaDribol, wala pa ngang inilalabas na update ang Lakers patungkol sa injury ni Bamba para sa Game 1, pero may lumabas na ulat na hindi raw nakasama si Bamba sa naging pagpapraktis ng Lakers sa Denver.

Iniulat din na bumalik sa Los Angeles si Bamba para sa follow-up appointment niya para sa kaniyang injury sa paa, kaya sa ngayon, wala pang katiyakan kung makakapaglaro ba si Bamba sa Game 1 o sa kabuoan ng kanilang serye.

Hindi man key player ng Lakers itong si Bamba, pero dahil sa ang kakaharapin ng Lakers ay itong si Nikola Jokic sa West Finals, kakailanganin talaga nila ng mga makakasuporta sa kanilang frontcourt.


Pero kahit na ba walang injury itong si Bamba, mga KaDribol, wala pa rin namang katiyakan kung siya ba ay gagamitin sa laro ni Darvin Ham.

Pero ang magkaroon ng option laban sa isa sa mga pinakamagagaling na big men sa NBA ngayon, malaking bagay si Bamba para kay Darvin Ham at sa Lakers sa serye nilang ito.

Ano ang masasabi niyo dito, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.