Misteryong taglay ni LeBron James hindi raw maresolba ni Stephen Curry ayon kay Draymond Green.
Ayon kay Draymond Green, mga idol, nag-iwan daw itong si LeBron James kay Stephen Curry ng kalituhan at paghahanap ng kasagutan sa Game 3 ng kanilang serye.
Kahit naman sino siguro ay magkakaroon talaga ng kalituhan sa naging paglalaro ni LeBron n'ung Linggo.
N'ung first quarter, hindi man lang gumawa ng anumang tira itong si LeBron, at ang ginawa lamang niya ay kumuha ng rebounds at gumawa ng mga plays sa kaniyang mga kakampi.
At n'ung second quarter, mga idol, bigla siyang umiskor ng 10 points, humakot ng apat na rebounds at nakapagbigay ng apat na assists.
At ayon nga dito kay Dray, ibinahagi raw ni Steph, kung papaano siya naguluhan sa naging paglalaro ni LeBron, at kung papaano na hindi raw niya kayang basahin si LeBron.
Iniisip daw ni Steph, na pagkatapos na halos hindi tumira itong si LeBron sa kabuoan ng first half eh, nagtapos pa rin siya na may 21 points, 8 rebounds at 8 assists.
Napakalaki raw ng nagawa ni LeBron sa game, mga idol, 'yung kaniyang mga big shots at mga nasa timing niyang mga tira.
'Yung isa nga raw na tira niya sa tres sa may wing n'ung first half, eksakto raw iyon sa timing, dahil napabagal daw n'un ang ginawang run ng Warriors.
At ang ginawa nga na iyon ni LeBron ay gumana, dahil tinalo nga nila ang Warriors sa score na 127-97.
Habang si Anthony Davis ang nanguna sa Lakers dahil sa kaniyang ipinamalas na paglalaro sa magkabilang dulo ng court, mga idolz si LeBron naman ang naging dahilan upang mabura ang kalamangan ng Warriors sa first quarter, hanggang sa madomina na nga nila ang laban.
Mukhang hindi pa nga nareresolba nina Dray at Steph ang misteryo na mayroon itong si LeBron na nakatagpo nila sa game, at hindi maganda iyon para sa kanila.
May pagkakataon pa sila sa Game 4, pero dahil na si LeBron ang pinag-uusapan dito, baka mahirapan pa rin sila.
Sang-ayon ba kayo dito, mga idol?
Comments
Post a Comment