Miami Heat nakagawa ng kasaysayan sa NBA dahil sa mga tagumpay na nakuha nila sa playoffs.
Marami siguro sa atin ang hindi nakaisip na aabot ng ganito kalayo ang Miami Heat sa playoffs ngayong taon.
Nagtapos sila sa regular season sa Eastern Conference na may hawak na record na 44 wins at 38 losses, pangwalo sa mga nakapasok ng playoffs.
Dumaan din sila sa dalawang games sa Play-in Tournament upang makakuha lang ng pwesto sa playoffs, pero heto na sila ngayon, tatlong panalo na lang at makakatungtong na muli sila sa pinakamalaking stage ng NBA, ang NBA Finals.
Ang nagpaganda pa lalo sa tagumpay na nakukuha ng Heat sa playoffs ay dahil sa kabila na sila ang nangulelat pagdating sa opensa sa liga sa regular season, pero nagawa pa rin nilang makatungtong ng playoffs.
At ngayon nga, ang mga panalong nakuha ng Heat sa postseason ay nakagawa na ng kasaysayan sa NBA, ang kanilang siyam na panalo, ang pinakamaraming panalo na nakuha sa postseason ng isang koponan na naging kulelat sa scoring average sa regular season.
Ang sumunod sa kanila ay ang Chicago Bulls noong 1974-1975 season, kung saan ang Bulls ay nakakuha ng pitong panalo sa playoffs.
Ang Miami Heat ay nag-averaged ng 109.5 points per game lamang sa regular season, kulelat sila sa buong liga pagdating dito.
Mas mahusay sila ng kaunti pagdating sa points scored per 100 possessions, kung saan sila ay pang dalawamput lima na may offensive rating na 113.
Mas lumalabas ang kahusayan ng Maimi Heat kapag sila ay naglalaro ng mabilis at kapag gumagana ang kanilang depensa, kaya naman, kapag napapagana nila ang mga iyon, patuloy silang nangingibabaw sa mga nakakalaban nila sa playoffs.
Ano ang masasabi niyo dito?
Magpatuloy nga kaya ang Miami Heat hanggang NBA Finals?
Comments
Post a Comment