Mga fans ng Warriors hindi nagustuhan ang ginawa ni Jordan Poole sa Game 1 laban sa Lakers.



Bagaman na ang Golden State Warriors ay pumasok sa ikalawang round laban sa Los Angeles Lakers na mas paborito ang Lakers kaysa sa kanila, dahil na rin nga sa pangunguna ni LeBron James sa Lakers.

Na kahit na may mga pagkakataon na na nag-iistruggle si LeBron, ang grupo ngayon ng Lakers na nabuo n'ung trade deadline ay may kakayahan talaga na makipagsabayan sa kagaya ni Stephen Curry at ng Warriros.

At halos sa kabuoan ng 2nd half, ang Lakers ay ang may kontrol sa game, na sila ay nakalamang pa nga ng double-digit, pero ang Warriros ay hindi basta sumusuko na lang sa anumang laban.


Nakabalik sila sa game, mula sa pagkakalubog ng 12 points na kalamangan ng Lakers, dahil na rin kina Stephen Curry, Klay Thompson at Jordan Poole, si Poole na halos nahihirapan sa kaniyang opensa ngayong playoffs.

At ang tres ni Poole na nagbaba ng kalamangan ng Lakers sa tatlo, ay marahil ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob, upang bitawan ang isa sa pinakamahalagang tira sa buong laro ng Game 1 laban sa Lakers.

Tatlo na lamang ang kalamangan ng Lakers at may pagkakataon ang Warriors na makalapit sa score o kaya ay maitabla ang score, at naglakas loob nga itong si Poole na maging bayani, na ang naging resulta ay bokya ang inabot niya.


Naisablay ni Poole ang isang layup, na may 41 seconds na lang ang nalalabi sa oras, at ang pinakamalala, naisablay niya ang tira niya sa tres na tatabla sana sa score, 9 seconds na lang ang nalalabi sa final quarter, at iyon na nga ang naging dahilan ng kanilang pagkatalo.

Kaya naman ang mga fans ng Warriors ay hindi nagustuhan ang ginawa na iyon ni Poole, at nanghinayang sila na hindi napunta kay Steph Curry ang huling tirang iyon, na magbibigay pa sana sa kanila ng pagkakataong manalo.

Makikita rin natin na matapos bitawan ni Poole ang tirang iyon at sumablay, si Curry ay makikita na hinayang na hinayang at mukhang dismayado sa nangyari, nang ito ay biglang napayuko at napahawak sa kaniyang tuhod.


Marahil ay nararamdaman pa rin ni Poole ang pressure ng pinirmahan niyang $140 million na kontrata n'ung offseason, pero sana lang ay maisip niya na sa ganoong mga pagkakataon ay ipaubaya na lamang niya sa kaniyang mga kakampi na mas clutch at mas may karanasan kaysa sa kaniya ang pinakamahalagang tira.

Ang nanguna sa Warriors sa scoring ay si Stephen Curry, na may 27 points, 6 rebounds at 3 assist, na sinundan ni Klay Thompson na may 25 points, 3 rebounds at 4 assists.

Si Jordan Poole ay may 21 points at 6 assists, at si Andrew Wiggins ay may 15 points at 6 rebounds.


Sina Draymond Green at JaMychal Green ay kapuwa may tig-6 points, 4 rebounds at 7 assists kay Draymond.

Si Kevon Looney ay may 10 points, 23 rebounds at 5 assists, at si Gary Payton ll ay may 2 points, 3 rebounds at 2 assists.

Si Donte DiVincenzo ay may 3 rebounds at 2 assists, at si Moses Moody ay may 1 rebound at 1 assist.


Samantalang sa Lakers, ang nanguna sa kanila sa scoring ay si Anthony Davis, na nagtapos na may 30 points, 23 rebounds, 5 assists at 4 blocks, habang si LeBron ay nagtapos naman na may 22 points, 11 rebounds, 4 assists at 3 blocks.

Sina D'Angelo Russell at Dennis Schroder ay kapuwa may tig-19 points, 3 rebounds at 6 assists kay D-Lo, at 2 rebounds at 3 assists naman kay Schroder.

Si Austin Reaves ay nagtapos na may 10 points, 5 rebounds at 3 assists, at si si Jarred Vanderbilt ay may 8 points, 6 rebounds at 2 assists.


Si Rui Hachimura ay may 6 points, 1 rebound at 1 assist, si Troy Brown Jr. ay may 3 points, at si Wenyen Gabriel ay may 2 rebounds.

Ang Game 2 ng labanang Lakers at Warriors ay sa darating na Biyernes, May 5, ika-siyam ng umaga, Pinas time.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.