Mga fans ng Suns nagalit sa pagkatalo nila sa Game 1 laban sa Nuggets.
Ang Phoenix Suns ay may malaking problema, bagaman na itong si coach Monty Williams ay may dalawang magagaling na scorers na nagagamit, sina Kevin Durant at Devin Booker.
Sa naging laban ng Suns sa Game 1 ng Western Conference semifinals laban sa Denver Nuggets, hindi sila naging palaban kaya sila ay natalo, at dahil na rin ito sa ginawang pagpapaikot ng tao ni Williams.
Mas ginamit kasi ng Suns ang kanilang backup guard na si Landry Shamet ng 14 minutes, kaysa sa maasahan nang mga scorers na sina Terrence Ross, T.J. Warren at Cameron Payne, na kanilang ginagamit talaga na buckup point guard nila.
At ang naging resulta, si Shamet ay nagkaroon lamang ng 3 points at siya ay minus-15 pa mula sa bench.
Pinamunuan ni Williams ang Suns sa isang mahusay na tagumpay magbuhat ng siya ay makuha nila bago ang 2019-2020 season.
Nagtapos ang Phoenix sa West na nasa ilalim sa tatlong magkakasunod na seasons bago nila nakuha si Williams, at paglipas ng kaniyang dalawang taon ay nadala na niya ang Suns sa NBA Finals.
At ngayon nga, ang Suns ay isa sa paborito na manalo sa West, at inaasahan nga na sila ay magpeperform sa mataas na antas ng paglalaro.
Kaya ang naging paggamit kay Shamet mula sa bench at pagbibigay sa kaniya ng maraming minuto sa laro, ay hindi ikinatuwa ng kanilang mga fans, at nainis talaga sila sa ginawa ni Williams.
Inasahan nga nila si Shamet na makapagbibigay sa kanila ng isang tipo ng manlalaro na 3-and-D, nang nakuha siya ng Suns sa isang trade n'ung August, taong 2021 para kay Jevon Carter, pero hindi nga nagkagayon.
May mga pagkakataon na naharap itong si Shamet kay Jamal Murray ng one-on-one, na sinabi pa nga ni Murray na hindi siya kayang bantayan ni Shamet.
Si Murray ay nagtapos na may 34 points, 13-of-24 shooting, 5 rebounds at 9 assists, na sinundan ni Nikola Jokic na may 24 points, 19 rebounds at 5 assists.
Si Aaron Gordon ay may 23 points at 6 rebounds, at si Bruce Brown ay may 14 points, 2 rebounds at 3 assists.
Si Michael Porter Jr. ay may 11 points, 3 rebounds at 2 assists, at si Kentavious Caldwell-Pope naman ay may 10 points, 2 rebounds at 1 assist.
Si Jeff Green ay may 5 points at 4 rebounds, at si Payton Watson naman ay may 3 points at 2 rebounds.
Si Christian Braun ay may 1 point, 5 rebounds at 1 assist, at si Vlatko Cancar ay may 1 rebound, at si Ish Smith ay may 1 assist.
Samantalang sa Suns naman, ang nanguna sa scoring sa kanila ay si Kevin Durant na may 29 points, 14 rebounds at 1 assist, na sinundan ni Devin Booker na may 27 points, 4 rebounds at 8 assists.
Si Deandre Ayton ay may 14 points, 7 rebounds at 1 assist, at si Chris Paul ay may 11 points at 5 assists.
Si Jock Landale ay may 7 points at 2 rebounds, at si Cameron Payne ay may 5 points, 3 rebounds at 1 assist.
Sina Torrey Craig, Landry Shamet, Damion Lee at Ish Wainright ay kapuwa may tig-3 points, 4 rebounds at 1 assist kay Craig, 1 assist kay Shamet at 1 rebound at 1 assist kay Lee.
Si Josh Okogie ay may 2 points, 2 rebounds at 1 assist, at si Terrence Ross ay may 1 rebound.
Sadyang natalo ang Suns sa Nuggets dahil sa kakulangan nila ng ambag sa kanilang bench, kaya naman, susubukan nila na maitabla ang serye sa Game 2, na gaganapin pa rin sa tahanan ng Denver.
Comments
Post a Comment