Mga fans ng Lakers muling nabuhayan sa pagkapanalo nila sa Game 3 laban sa Warriors.



Nalalaman nga ng Los Angeles Lakers kung ano ang nakataya sa naging laban nila sa Game 3 laban sa Golden State Warriors, mga KaDribol, galing nga kasi sila sa malaking pagkatalo n'ung Game 2, at tabla sila sa serye na may tig-isang panalo.

Kailangan talaga ng Lakers ang panalong iyon, at nagawa naman nila, at napakagandang panalo pa ang naipamalas nila.

Pinangunahan nina LeBron James, Anthony Davis at D'Angelo Russell ang Lakers sa pagdomina nila sa koponan ng Warriors, at tunay na nagustuhan naman iyon ng mga fans ng Lakers, lalo na sa mga nakasaksi ng live sa laban.


Pagkatapos na hindi naramdaman itong si Davis n'ung Game 2, mga KaDribol, bumawi siya sa Game 3, kung saan siya ay nagkaroon ng double-double performance, 25 points at 13 rebounds, na may kasama pang 4 blocks at 3 steals sa 33 minutes niyang paglalaro, 7-of-10 shooting mula sa field, at 11-of-12 naman sa free throw line.

Ang depensa rin ni AD ang talaga namang nagpahirap sa Warriors, at kapag nagpatuloy sa ganitong paglalaro itong si Davis, gaya nga ng nasabi ko na noon, ang Lakers ay paniguradong makakaabante sa Western Conference Finals.

Hindi rin matatawaran ang ipinakitang paglalaro ni LeBron, na siya ay nagkaroon ng 21 points, 6-of-11 shooting sa field, 8 rebounds, 8 assists, isang block shot, 2 triples at hindi siya nagkaroon ng turnovers sa 32 minutes niyang paglalaro.


Ang mga hustle plays din ni LeBron ang lalong nakapagbigay gana sa kaniyang mga kakampi at sa mga fans ng Lakers, mga KaDribol, na ipinakita niya na gusto talaga niyang makuha ang panalo sa Game 3.

Sa Lakers, ang nanguna nga sa kanila sa scoring ay si Anthony Davis na may 25 points, 13 rebounds at 3 assists, na sinundan nina LeBron James at D'Angelo Russell na kapuwa may tig-21 points. 8 rebounds at 8 assists kay LeBron at 3 rebounds at 5 assists kay D-Lo.

Sina Lonnie Walker lV at Dennis Schroder ay kapuwa may tig-12 points. 4 rebounds kay Walker at 1 assist kay Schroder.


Si Austin Reaves ay may 10 points, 2 rebounds at 2 assists, at si Shaquille Harrison ay may 9 points at 4 assists.

Si Max Christie ay may 6 points, 2 rebounds at 2 assists, at si Rui Hachimura ay may 5 points, 1 rebound at 1 assist.

Sina Troy Brown Jr. at Tristan Thompson ay kapuwa may tig-2 points. 2 rebounds at 1 assist kay Brown, at 3 rebounds kay Thompson.


Si Malik Beasley ay may 1 rebound.

Samantalang sa Warriors, ang nanguna sa kanila sa scoring ay si Stephen Curry na may 23 points, 4 rebounds at 3 assists, na sinundan ni Andrew Wiggins na may 16 points, 9 rebounds at 4 assists.

Si Klay Thompson ay may 15 points at 7 rebounds, si Jonathan Kuminga naman ay may 10 points at 1 rebound, at si Gary Payton ll ay may 8 points at 3 rebounds.

Sina Jordan Poole, Donte DiVincenzo at Moses Moody ay kapuwa may tig-5 points. 3 rebounds at 6 assists kay Poole, 5 rebounds at 4 assists kay DiVincenzo at 4 rebounds at 1 assist kay Moody.


Sina Kevon Looney at Antony Lamb ay kapuwa may tig-3 points. 4 rebounds at 4 assist kay Looney.

Sina Draymond Green at JaMychal Green ay kapuwa may tig-2 points. 2 rebounds at 4 assists kay Dray.

Makabawi kaya ang Warriors sa Game 4, o magawa nang kunin ng Lakers ang 3-1 na kalamangan sa serye? Sama-sama nating alamin iyan sa darating na Martes, May 9, ika-sampu ng umaga, Pinas time.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.