Mga fans ng Celtics nag-alala sa naging pagkatalo nila sa Game 1 laban sa Heat.
Hindi na nga napigilan pa ng mga fans ng Boston Celtics na mag-alala, matapos na sila ay talunin sa Game 1 ng Eastern Conference Finals ng Miami Heat.
Ang Heat ay nagkaroon ng napakalaking score sa third quarter upang mabaliktad ang lahat sa game, 46 points ang naiskor nila sa 3rd.
Natapos ang first half na hawak ng Celtics ang kalamangan, siyam na puntos sa score na 66-57, subali't nabura ito ng Heat pagpasok ng second half.
Ang nangyari, hindi na muling nakabawi pa ang Celtics, sa kabila na medyo lumamya na ang opensa ng Heat sa fourth quarter, at ang nagpalala pa rito, nangyari ang lahat ng ito sa tahanan pa mismo ng Celtics.
Mas maiintindihan pa siguro ng kanilang mga fans kung ito ay nangyari sa balwarte ng Miami, pero hindi nga gayon, kaya naman ang ilang mga fans ng Celtics ay lubhang nag-alala dahil dito.
Napagwagian nga ng Celtics ang tatlong quarters, pero tinalo naman sila ng malaki sa third quarter, na para sa mga fans ay nakita na nila iyon dati.
At iyon ay nangyari n'ung Game 2 ng 2019-2020 East Finals sa may bubble, n'ung natalo nga ng Celtics ang Heat sa tatlong quarters pero dinomina naman ng Heat ang third quarter.
At ang serye nila doon ay pinagwagian ng Miami, kaya ang Boston ay hindi nakatungtong ng NBA Finals noon.
Hindi napangalagaan ng Celtics ang kanilang home-court advantage sa isang ito, at napakalaking problema ito para sa kanila.
At kahit na ba sabihin pa na Game 1 pa lamang ito, at marami pang games ang natitira, hindi talaga maiaalis sa mga fans ng Boston na mag-alala na, na ganito kaaga, dahil sa nangyari na nga ito sa nagdaan.
Lalo na at ang bawa't game sa isang serye ay napakahalaga, tapos maiwawala mo pa ang isang panalo sa iyong tahanan, napakalaking dagok talaga ito para sa isang koponan.
Nakapagbigay pa ang Boston ng karagdagang kumpiyansa sa Miami na hindi talaga maganda laban sa isang koponan na pinangungunahan ni Jimmy Butler, kaya hindi natin masisisi ang mga fans kung sila ay mag-alalang lubhang sa pagkatalo na ito ng Celtics.
Ano ang masasabi niyo dito?
Ang Game 2 ng sagupaang Celtics at Heat ay magaganap sa darating na Sabado, May 30, 8:30 ng umaga, Pinas time.
Narito ang score at stats sa naging sagupaan ng Celtics at Heat sa Game 1 ng East Finals.
Comments
Post a Comment