May bago nang Hari na pumalit kay LeBron James sa Miami Heat.



May bago na ngang playoff 3-point king ang Miami Heat at hindi na ito si LeBron James, kundi si Duncan Robinson na, mga KaDribol.

Opisyal na ngang nalagpasan ni Robinson si LeBron para sa may pinakamaraming playoff triples sa kasaysayan ng Heat, sa Game 3 ng Eastern Conference Finals laban sa Boston Celtics.

Bago magsimula ang game, kailangan na lang ni Robinson ng limang tres upang ma-break ang record ni LeBron na 123 playoff 3-pointers.


At nakuha nga ni Robinson ang limang tres na iyon sa isang napakaganda niyang paglalaro mula sa bench, mga KaDribol, at siya ay nagtapos na may 22 points.

Naipasok ni Robinson ang lima sa pitong ipinukol niya mula sa tres at pinatumba ang Celtics sa score na 128-102.

Nagtapos si Robinson na pangalawa na best scorer ng Heat sa game, ang nanguna ay si Gabe Vincent na may 29 points, pero nagawa iyon ni Robinson sa loob lamang ng malapit sa 23 minutes na paglalaro.


Pagkatapos ng panalong iyon ng Heat, mga KaDribol, na nagdala sa kanila na magkaroon na ng 3-0 na kalamangan sa serye, tinanong siya patungkol sa milestone na naabot niya.

Na para kay Robinson ay isang maipagmamalaking sandali iyon sa kaniyang career, na isang undrafted player taong 2018, na tinrabaho ang pagpunta niya sa roster ng Miami Heat.

Nakakapagpakumbaba raw iyon sa iba't-ibang paraan, ang sabi ni Robinson, at hindi raw niya naisip na maaabot niya iyon sa kaniyang paglalakbay sa NBA.


Sa ngayon i-eenjoy lang daw niya muna ang sandali at mas palalaguin pa ang mga pagkakatong makukuha niya, dagdag pa ni Robinson, mga KaDribol.

Sa tuwing may makakabasag ng nagawang record ni LeBron, nagpapatunay lang iyon na nakagagawa ng tama ang player na nakabasag niyaon.

At para sa Heat, wala na silang mahihiling pa kay Robinson para sa isang magandang paglalaro at sa magandang panahon na magawa ang mga ganoong bagay.


Habang nahirapan itong si Robinson sa halos kabuoan ng regular season, mga KaDribol, pero ipinakikita naman niya ngayon kung bakit kailangan siya ng Miami upang sila ay manalo.

Ngayon ay umaasa ang Heat na maipagpapatuloy ni Robinson na magliyab ang kaniyang mga kamay sa tres sa Game 4.

At abangan na rin natin kung papaano siya pipigilan ng Celtics upang mapahaba nila ang kanilang serye at manatili pa silang buhay sa pag-asa para sa titulo.


Ang Game 4 ng sagupaan ng Heat at Celtics ay magaganap sa darating na Miyerkules, May 24, 8:30 ng umaga, Pinas time.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.