Marcus Smart inaasahan na magkakaroon ng kaguluhan sa Game 7.
Maghaharap nga ang Boston Celtics at Philadelphia 76ers sa isang do-or-die Game 7 sa TD Garden na balwarte ng Celtics, kaya naman si Marcus Smart ay umaasa na ang kanilang home crowd ay gagawing mahirap ang lahat para sa kanilang bisita.
At dahil sa malaki ang nakataya sa serye at sa pag-asa nila sa kampeonato, alam ni Smart na kakailanganin nila ang kanilang mga fans, hindi lamang upang suportahan sila, kundi upang ipadama rin sa Sixers na hindi sila tanggap sa pagpasok nila sa arena ng Boston.
N'ung tinanong nga itong si Smart patungkol sa kung ano ang inaasahan niya sa kanilang home crowd sa darating na Lunes, ang naging sagot niya ay, chaos 'o kaguluhan.
Alam naman na natin kung gaano nagiging madamdamin ang mga naniniwala sa Celtics, na kung minsan nga maging ang sarili nilang mga players ay hindi nakaliligtas sa kanila.
Sa madaling salita, gagawin ng mga fans ang lahat nilang magagawa upang matulungan nila na makuha ng Celtics ang panalo.
At dahil nga sa bigat na ng sitwasyon sa pagitan ng magkabilang koponan, mukhang magiging tama ang sinabi na iyon ni Smart, na magkakaroon talaga ng kaguluhan sa magiging laban nila.
Hindi naman iyon na klaseng kaguluhan na magkakaroon pa ng sakitan, kundi, kaguluhan dahil sa tindi ng pagsuporta ng mga fans sa kani-kanilang koponan.
Pero hindi naman dahil sa ganoon ang sinabi ni Smart eh, ang dating ay masama na iyon para sa Sixers.
Dahil halos magkaparehas lang naman ang Boston at ang Sixers ng klase ng mga fans pagdating sa pagharap sa kanilang mga kalaban, at maging sa kanilang mga players na rin.
At ito ay hindi na isang regular season game lamang, ito ay playoffs na, kaya naman, maiinit na talaga ang labanan dito.
Mataas talaga ang tyansa ng Celtics na makuha ang panalo laban sa Sixers sa isang ito, at nang magawa na nilang makatuloy sa Eastern Conference Finals, kung saan naghihintay na nga ang Miami Heat.
At tinitiyak na nga na ang mga tao sa TD Garden ay lubhang makakatulong talaga sa Celtics na makuha ang panalo, pero asahan na rin natin na ang Sixers ay hindi rin naman basta na lang magpapatalo.
Ang Game 7 sa pagitan ng Cetics at ng Sixers ay magaganap nga sa Lunes, May 15, 3:30 ng madaling araw, Pinas time.
Kaya sa mga may gustong makapanood ng laban nilang ito, magising kayo ng maaga.
Comments
Post a Comment