Lonnie Walker IV nag-ala Kobe Bryant pala n'ung Game 4 sa laban ng Lakers at Warriors.
Wala na ngang mas kapana-panabik sa NBA kundi ang playoff basketball, mga KaDribol, at matapos ng nakakapagod na anim na buwan sa regular season, ang mga koponan ay kailangan na lang na manalo ng 16 games upang maabot ang rurok ng tagumpay.
At kung sinoman ang may taglay ng matatag ng pagpupursigi ay ang siyang nakakatungtong sa postseason, na aminado ang mga manlalaro na ang liwanag doon ay sobra-sobra para sa kanila.
Pero mukhang hindi problema iyon para kay Lonnie Walker IV, na mula sa hindi pinaglalaro ay biglang naging bayani ng Los Angeles Lakers sa naging panalo nila sa Game 4 laban sa Golden State Warriors.
Si Walker na hindi man lang gumawa ng anomang tira sa unang tatlong quarters ng game, mga Kadribol, ay biglang nabuhay n'ung kinakailangan na siya ng Lakers.
Siya ay umiskor ng 15 points, sa kaniyang mabisang 6-for-9 shooting sa field, na talaga namang nagbigay sa Lakers ng opensang kailangan nila upang mapalapit na sa pagtumba nila sa mga naghaharing kampeon na Golden State Warriors.
At hindi lang ito ang kauna-unahan na ang isang bench player ng Lakers ay umiskor ng 15 points o higit pa sa fourth quarter sa isang game sa playoffs.
Si Kobe Bryant ang unang nakagawa nito, mga KaDribol, na siya ay umiskor ng 17 points sa final period n'ung May 8, 1997, eksaktong dalawamput-anim na taon na ang nakalipas mula ngayon.
Nakuha ng Lakers ang panalo sa araw na iyon laban sa Utah Jazz, sa score na 104-84 n'ung 1997 NBA Playoffs.
Gayun pa man, ang mga fans ng Lakers sa mga panahon na iyon ay alam kung ano ang nangyari sa Lakers.
Sa mga panahon na iyon, mga KaDribol, si Kobe ay hindi pa ganoon ka dominanteng pwersa, at sa kaniyang pagiging rookie, siya ay nagkaroon ng pinakamalala niyang sandali sa loob ng court, sa kaniyang professional career, sa Game 5 ng kanilang serye laban sa Utah Jazz.
Ang isang hindi malilimutan kay Kobe doon ay n'ung nagkaroon siya ng mga kapos na tira sa clutch, at ang Lakers nga ay natalo sa serye sa limang games.
Siyempre iba naman ang nangyari sa pagiging bayani ni Lonnie Walker IV, dahil si Walker ay hindi galing sa blowout, 'di gaya ni Kobe na nagkaroon lamang sila noon ng isang panalo sa Jazz, pero ang Lakers ngayon ay lamang sa Warriors ng 3-1.
Ngayon, mga KaDribol, ang mga fans ng Lakers ay aasa na magagawa ni Walker na magkaroon pa ng mas maraming ganoong klaseng paglalaro habang sila ay umuusad sa playoffs, upang makasigurado na maganda ang maabot nila ngayong taon.
Comments
Post a Comment