LeBron James naka-locked in na sa pagharap niya kay Stephen Curry sa 2nd round.
May dahilan kung bakit gusto ni LeBron James na ang Los Angeles Lakers ay maging "super-duper locked in," kapag nakaharap na nila ang Golden State Warriors sa second round ng playoffs, mga KaDribol, at ang dahilan n'un ay wala nang iba kundi dahil kay Stephen Curry.
Ikinumpara nga ni LeBron ang Warriors sa mahusay na koponan ng San Antonio Spurs na pinarurusahan ang kanilang mga kalaban kapag ang kanilang mga kalaban ay nakagawa ng mga pagkakamali.
Ipinahayag ni LeBron na ang Warriors ay may kakayahan na gawin din iyon dahil meron silang player na gaya ni Steph, na kayhirap pigilan kapag siya ay nasa rhythm.
Ginamit din ni LeBron ang naging performance ni Curry n'ung Game 7 laban sa Sacramento Kings bilang isang halimbawa, mga KaDribol, na makikita doon kung papaano naipapasok ni Curry ang mga alanganing tira.
Kaya naman nagtapos sa game na iyon si Curry na may 50 points, sa kaniyang 20-of-38 shooting, at na break pa niya ang scoring record sa Game 7.
Iyan ang isang kagandahan sa koponan ng Warriors, kayang-kaya nilang umiskor kahit na ba na may bantay pa sa harapan nila, lalo na sa labas ng arko.
Nakita naman natin iyon n'ung Game 7 ng laban ng Warriors, mga KaDribol, kung papaanong binibitawan ni Steph ang kaniyang mga tira, mapamalayo man o malapit sa basket, hindi talaga kapani-paniwala ang mga iyon, ganoon kahusya ang isang Stephen Curry.
Kaya tama lang si LeBron nang sabihin niya na kailangan talaga nilang maging locked in sa game, kapag nag-umpisa na ang laban nila sa ikalawang round.
Nagawa naman ng Lakers na talunin ang Memphis Grizzlies sa unang round, kahit na ba sila pa ang may tangan ng mababang pwesto kaysa sa Memphis, kaya mataas talaga ang posibilidad na magawa rin nila uli iyon sa 2nd round.
Lalo na at nanalo ng tatlong beses ang Lakers laban sa Warriors sa apat na paghaharap nila sa regular season, mga KaDribol, kaya naman may dahilan talaga ang Lakers na maging confident sa kanilang pag-asa na sila ang mananalo sa 2nd round.
Pero gaya nga ng sinabi rin ni LeBron, hindi sila dapat maging sobrang kumpiyansa at makagawa ng mga pagkakamali sa harapan ng koponan ng Warriors, lalo na at nagkaroon ng big game si Stephen Curry at na upset nga nila ang 3rd seeded na Sacramento Kings.
Magsisimula ang laban ng Lakers at Warriors sa darating na Miyerkules, May 3, alas diyes ng umaga, Pinas Time, sino kaya ang makakakuha ng unang panalo, ang defending champions o ang gustong magkampeon muli.
Comments
Post a Comment