LeBron James muling pinatunayan na hindi hadlang ang edad upang mapatunayan ang kaniyang kahusayan.



Muli na naman ngang nagpamalas ng kaniyang kahusayan itong si LeBron James, mga KaDribol, sa pagtahak niya na muling makakuha ng isa pang kampeonato sa kaniyang pangalan sa koponan ng Los Angeles Lakers.

Patuloy siyang nagsusulat sa libro ng kahusayan sa kabila na siya ay may edad na, lalo na ngayong playoffs.

Meron na namang nagawa itong si LeBron, sa edad niya na trentay otso, na tumapat sa nagawa ng isa sa alamat na ng Lakers na si Kareem Abdul-Jabbar.


Sa naging laban ng Lakers, mga KaDribol, kung saan isinara na nila ang serye laban sa Golden State Warriros, si LeBron ay umiskor ng 30 points, at nagkaroon ng kahanga-hangang 71% shooting mula sa field.

Dahil sa nagawa niyang iyon, siya na ang ikalawang matandang player na nakaiskor ng 30 points habang may shooting percentage na 70 sa playoffs, ang nauna nga sa kaniya ay ang mala-alamat na si Kareem Abdul-Jabbar.

Nanalo nga ang Lakers sa Game 6 sa score na 122-101, at winakasan na ang pangarap ng Warriors na makakuha ng back-to-back titles sa ikalawang round ng playoffs.


Walang duda, mga KaDribol, muli na namang nakapagtakda itong si LeBron ng isa na namang kahusayan sa NBA.

Sampung beses na ngang nakatungtong ng NBA Finals itong si LeBron, at nalagpasan na rin niya si Kareem sa all-time leading scorer sa NBA, kaya naman, kinikilala siya na isa sa pinakamagaling na manlalarong tumapak sa basketball court sa lahat ng panahon.

Pagdating sa kaniyang paglalaro, sa opensa, siya ay umunlad bilang isang mahusay na passer, at napakahirap din mapigilan ang kaniyang mga pagsalaksak sa basket, at isa rin siyang clutch shooter.


Sa depensa naman, mga KaDribol, meron siyang kakayahan na mapigilan ang kaniyang kalaban sa kahit anong posisyon, at kapansin-pansin talaga ang kaniyang kaibahan sa lahat ng kasabayan niya sa kaniyang panahon dahil sa angkin niyang abilidad sa paglalaro ng basketball. 

Sa loob ng 20 years at nagpapatuloy pa nga siya hanggang ngayon, si LeBron ay nagiging isang mahusay na leader at ambassador ng laro, at patuloy siyang nakakapagbigay ng inspirasyon sa mga fans ng basketball sa buong mundo.

Sa buong career ni LeBron, siya ay nag-aaverage ng 27.2 points, 7 rebounds at 7 assists, sa loob ng 1,421 regular-season games.


Siya ay napili na sa labing-walong All-Star games, nakakuha ng apat na MVP awards, apat na Finals MVP at apat na kampeonato.

Kung hindi man itinuturing pa ng iba na si LeBron ang greatest player of all-time, mga KaDribol, naabot naman na niya ang mga bagay na hahamon sa kinikilala ng iba na GOAT, at take note, hindi pa siya tapos niyan.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.