LeBron James may mensaheng ipinaabot matapos na ma-upset nila ang Warriors sa Game 1.



Proud na proud nga itong si LeBron James sa kaniyang koponan, mga KaDribol, ang Los Angeles Lakers, kung papaano nila nagawa ng tama ang kanilang game plan, upang talunin ang Golden State Warriors sa road sa Game 1.

Gayun pa man, ayaw ni LeBron na ang kanilang koponan ay maging kampante at sumubra sa kumpiyansa matapos na manalo ng isang game.

Tinalo ng Lakers ang Warriors sa Game 1 sa Chase Center sa score na 117-112, at ang isa sa ikinatuwa pa ni LeBron ay ang kanilang naging depensa, na nagawa nilang malimitahan lamang ang shooting ng Warrriors sa 40% overall at sa 3-point line.


Nakuha raw nila sa game ang mga mahahalagang pagpigil sa opensa ng Warriors, mga KaDribol, kaya't nakuha nila ang panalo, pero alam ni LeBron na hindi pa rin papipigil ang Golden State at susubukan nilang makabawi.

Dapat daw na mas maganda ang ilaro nila sa Game 2, pagpapaala-ala ni LeBron sa kaniyang mga kakampi.

Maganda ang inilaro ni Anthony Davis, na siya ay nakagawa ng isang makasaysayang pagsisimula sa first half, 20 points at 10 rebounds, at nagtapos na may 30 points, 23 rebounds, 5 assists at 4 blocks, habang si LeBron ay nagtapos naman na may 22 points, 11 rebounds, 4 assists at 3 blocks.


Sina D'Angelo Russell at Dennis Schroder ay kapuwa may tig-19 points, 3 rebounds at 6 assists kay D-Lo, at 2 rebounds at 3 assists naman kay Schroder.

Si Austin Reaves ay nagtapos na may 10 points, 5 rebounds at 3 assists, at si si Jarred Vanderbilt ay may 8 points, 6 rebounds at 2 assists.

Si Rui Hachimura ay may 6 points, 1 rebound at 1 assist, si Troy Brown Jr. ay may 3 points, at si Wenyen Gabriel ay may 2 rebounds.


Samantalang sa Warriors, ang nanguna sa kanila sa scoring ay si Stephen Curry, na may 27 points, 6 rebounds at 3 assist, na sinundan ni Klay Thompson na may 25 points, 3 rebounds at 4 assists.

Si Jordan Poole ay may 21 points at 6 assists, at si Andrew Wiggins ay may 15 points at 6 rebounds.

Sina Draymond Green at JaMychal Green ay kapuwa may tig-6 points, 4 rebounds at 7 assists kay Draymond.


Si Kevon Looney ay may 10 points, 23 rebounds at 5 assists, at si Gary Payton ll ay may 2 points, 3 rebounds at 2 assists.

Si Donte DiVincenzo ay may 3 rebounds at 2 assists, at si Moses Moody ay may 1 rebound at 1 assist.

Kung maipagpapatuloy ng Lakers ang klase ng paglalaro na inilaro nila sa Game 1, mahihirapan talagang manalo sa kanila ang Warriors, pero gaya nga ng sinabi ni LeBron, Game 1 palang iyon, at marami pang games ang kahaharapin nila.


Lalo na at ang Warriors ay galing sa pagbura ng 2-0 na kalamangan ng Sacramento Kings na 3rd seeded n'ung 1st round, kaya hindi rin basta-basta ang koponan ng Warriors.

At kung merong dapat matutunan ang Lakers sa naging panalo nila sa Game 1, ito ay ang katotohanan na, kung sinong koponan ang makakakuha ng apat na panalo, sila ang makakaabante sa susunod na round, at hindi kung sino ang unang nakakuha ng panalo.

Ang Game 2 ng labanang Lakers at Warriors ay sa darating na Biyernes, May 5, ika-siyam ng umaga, Pinas time.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.