LeBron James dinadaig na nga ba ng kaniyang edad kaya natalo ang Lakers sa Game 2 laban sa Nuggets?



Muli na naman ngang kinapos ang Los Angeles Lakers sa Game 2 ng West Finals laban sa Denver Nuggets,  mga KaDribol.

Lumaban naman ang Lakers hanggang dulo, pero ang mainit na kamay ni Jamal Murray ay naging kalabisan para sa Lakers, at ngayon nalubog na ang Lakers sa 2 to zero na kalamangan ng Nuggets.

At sa game na ito, medyo hindi naging maganda para kay LeBron James dahil may ilang mga libreng layups siyang naisablay sa first half, lalo na y'ung isang nakakapanghinayang na libreng-libre na dunk sana niya n'ung second quarter.


Nagkaroon pa rin naman ng desenteng mga numero itong si LeBron, mga KaDribol, 22 points, 9 rebounds, 10 assists, 4 steals at 2 blocks, pero siya ay naging maalat sa kaniyang shooting, 9-of-19 mula sa field, at ang mas malala pa dito, wala siyang naipasok sa lahat ng anim na ipinukol niya sa tres.

Kinakitaan din daw sa ilang parte ng game itong si LeBron na lumalabas na ang kaniyang edad sa paglalaro, ayon iyan sa ilang mga fans na nagkaingay sa social media, matapos na mapanood nila ang pagkatalo na ito ng Lakers sa Game 2.

Hindi rin naman natin masisisi ang ilang mga fans ng Lakers na mag-alala sa kanilang napanood, at sa naging kalagayan na ngayon ng Lakers sa West Finals.


Pero tandaan natin, mga KaDribol, na minsan nang nalagay sa ganitong sitwasyon itong si LeBron sa mga nagdaan, at ilang beses na rin na nalagpasan niya ang ilan sa mga iyon, kaya hindi na bago pa ito para kay LeBron.

Ngayon, ang malaking katanungan na lang dito, kakayanin pa kaya ni LeBron na malagpasan ang isang napakalaking hamon na kinakaharap niya ngayon sa buong career niya dito sa NBA?

Malalaman natin iyan sa darating na Game 3, na magaganap sa darating na Linggo, May 21, sa tahanan na ng Lakers, 8:30 ng umaga, Pinas time.


Narito ang score at stats sa naganap na sagupaan ng Lakers at ng Nuggets sa Game 2 ng West Finals.



Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.