LeBron James at Anthony Davis muli na namang nalagay sa injury report ng Lakers para sa Game 1 laban sa Nuggets.



Muli na naman ngang nalagay sa injury report ng Los Angeles Lakers itong sina LeBron James at Anthony Davis para sa Game 1 ng West Finals laban sa Denver Nuggets, mga KaDribol.

Pero wala naman tayong dapat pang ipag-alala patungkol dito, dahil silang dalawa ay nailista lamang bilang probable para sa pagbubukas ng conference finals, ibig sabihin, mataas pa rin ang tyansa na silang dalawa ay maglalaro at hindi mauupo na lamang.

Si LeBron nga at Davis ay kapuwa may iniindang pananakit pa ng kani-kanilang kanang paa, pero hindi naman iyon ganoon kaseryoso upang silang dalawa ay hindi makapaglaro.


Kung sa bagay, mga KaDribol, hindi naman na bago pa sa atin at sa Lakers na inilalagay nila ang dalawa sa kanilang injury report, dahil ganito na ang ginagawa nila halos sa kabuoan ng 2022-2023 season, lalo na at binabantayan din naman ng Lakers ang pagod ng kanilang dalawang superstars.

Si LeBron kasi ay trentay otso anyos na at si Davis naman ay naging malapitin na sa injury sa halos sa kabuoan ng kaniyang career.

Habang may naging mga pangyayari na itong si LeBron ay hindi nga naglaro n'ung siya ay nailista bilang probable, pero hindi siguro ito ang mangyayari sa pagbubukas ng West Finals.


Dahil hindi naman siguro papalagpasin pa ni LeBron ang pagkakataong makalaro siya muli sa West Finals, mga KaDribol, kahit na siguro may kaunting sakit siyang nararamdaman sa kaniyang paa, at ganoon din naman siguro si Davis.

Malamang maglalaro pa rin sila at hindi sila papayag na mauupo na lamang at panoorin na lumalaban ang kanilang koponan, lalo na at mataas talaga ang tyansa na makuha nila ang kampeonato ngayong taon.

Mabigat na kalaban ang Nuggets, pero sina LeBron at Davis, at ang kabuoan ng Lakers ay punong-puno na ng kumpiyansa ngayon, matapos na talunin nila ang Memphis Grizzlies at ang defending champions na Golden State Warriors upang makatungtong ng West finals.


Kayo mga KaDribol, ano ang masasabi niyo dito?



Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.