Lakers binawian ang Warriors sa Game 3 at tinambakan ng 30 points ang Warriors.



Matapos nga na talunin ng Golden State Warriors ang Los Angeles Lakers ng may 27 points na kalamangan, mga idol, ibinalik naman iyon ng Lakers sa Warriors sa naging sagupaan nila sa Game 3.

Tinambakan naman ng Lakers ang Warriors ng 30 points, sa score na 127-97, at dahil dito, may naabot ang Lakers sa playoffs na kaytagal nang hindi nakita sa kanilang prankisa, magbuhat pa n'ung panahon nina Magic Johnson at Kareem Abdul-Jabbar sa Lakers.

Ang Lakers ngayon ay nagkaroon na ng dalawang 30-point na panalo sa isang postseason, pangatlo na ito sa kasaysayan ng kanilang prankisa, nagawa ng Lakers ito sa mga taon ng 1984, 1987, at ngayon nga 2023.


Ang trio nina Anthony Davis, LeBron James at D'Angelo Russell ang nagpahirap sa Warriors, mga idol, na sinimulan ni D-Lo, nang siya ay umiskor ng unang 11 points ng Lakers, at 13 points ng unang 17 points ng Lakers.

Si LeBron naman ay nagsimula ng mabagal, at hindi siya gumawa ng tira n'ung first quarter, pero nagsimula na siyang gumana n'ung second quarter, kung saan nagsimula nang lumayo ang Lakers sa Warriors, at na outscored ng Lakers ang Warriors sa 2nd quarter ng 36-18.

Sa kabuoan ng Game 3, ang Lakers ay nagkaroon ng 52.5% sa field at nagtapos na may 15-for-31 naman mula sa tres, at ang Warriors naman ay nagkaroon ng 39.6% sa field at 13-for-44 mula sa tres.


Napakalaking panalo ang nakuhang iyon ng Lakers dahil nagkaroon na sila ngayon ng pagkakataon na magawa nilang 3-1 ang serye sa Game 4 sa darating na Martes, May 9, ika-sampu ng umaga, Pinas time, mga idol, bago bumalik sa tahanan ng Warriors sa San Francisco para sa Game 5.

Ang unang panalo ng Lakers ngayong postseason na hindi bababa sa 30 points, 40 points to be exact, ay n'ung Game 6 ng laban nila sa Memphis Grizzlies sa unang round ng playoffs, sa score na 125-85.

Sa Warriors, ang nanguna sa kanila sa scoring ay si Stephen Curry na may 23 points, 4 rebounds at 3 assists, na sinundan ni Andrew Wiggins na may 16 points, 9 rebounds at 4 assists.


Si Klay Thompson ay may 15 points at 7 rebounds, si Jonathan Kuminga naman ay may 10 points at 1 rebound, at si Gary Payton ll ay may 8 points at 3 rebounds.

Sina Jordan Poole, Donte DiVincenzo at Moses Moody ay kapuwa may tig-5 points. 3 rebounds at 6 assists kay Poole, 5 rebounds at 4 assists kay DiVincenzo at 4 rebounds at 1 assist kay Moody.

Sina Kevon Looney at Antony Lamb ay kapuwa may tig-3 points. 4 rebounds at 4 assist kay Looney.


Sina Draymond Green at JaMychal Green ay kapuwa may tig-2 points. 2 rebounds at 4 assists kay Dray.

Samantalang sa Lakers, ang nanguna sa kanila sa scoring ay si Anthony Davis na may 25 points, 13 rebounds at 3 assists, na sinundan nina LeBron James at D'Angelo Russell na kapuwa may tig-21 points. 8 rebounds at 8 assists kay LeBron at 3 rebounds at 5 assists kay D-Lo.

Sina Lonnie Walker lV at Dennis Schroder ay kapuwa may tig-12 points. 4 rebounds kay Walker at 1 assist kay Schroder.


Si Austin Reaves ay may 10 points, 2 rebounds at 2 assists, at si Shaquille Harrison ay may 9 points at 4 assists.

Si Max Christie ay may 6 points, 2 rebounds at 2 assists, at si Rui Hachimura ay may 5 points, 1 rebound at 1 assist.

Sina Troy Brown Jr. at Tristan Thompson ay kapuwa may tig-2 points. 2 rebounds at 1 assist kay Brown, at 3 rebounds kay Thompson.


Si Malik Beasley ay may 1 rebound.

Makabawi kaya ang Warriors sa Game 4, o magawa nang kunin ng Lakers ang 3-1 na kalamangan sa serye? Sama-sama nating alamin iyan sa darating na Martes.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.