Klay Thompson nagbabala sa Lakers para sa Game 3 bago sila bumalik sa Los Angeles.
Malilipat na nga ang game sa pagitan ng Golden State Warriors at ng Los Angeles Lakers sa balwarte ng Lakers sa Game 3, mga idol, at ang mga fans ay baka muling makakita ng isang obra maestra ni Klay Thompson, matapos ang kaniyang 30 points n'ung Game 2.
At nagpahiwatig na nga itong si Klay patungkol sa ilalaro niya sa Game 3, matapos na makuha nila ang panalo sa Game 2 n'ung Biyernes, sa score na 127-100.
At bukod sa ipinangako niya na maglalaro siya ng solid sa LA, upang parangalan ang kaniyang childhood hero na si Kobe Bryant at anak nito na si Gigi, ipinanumpa rin niya na manghuhuli siya ng magagandang tira, habang ibinabahagi ang kaniyang pananabik na makapaglaro sa kaniyang tahanan.
Lumaki si Klay sa Los Angeles, mga idol, kung saan na ang kaniyang ama na si Mychal Thompson ay naglaro sa koponan ng Lakers
Napakagandang karanasan daw na makapaglaro sa harapan ng kaniyang pamilya at mga kaibigan, at naaalala pa raw niya n'ung siya ay high school pa lamang, Silang dalawa ng kaniyang ama ay pumupunta sa Staples Center.
Na siya ay nangangarap na darating ang araw na makakapaglaro siya doon at makakalaro niya ang pinakamagagaling sa buong mundo.
At ngayon daw na naabot na niya ang pangarap na iyon, mga idol, alam daw niya kung gaano kaganda ang pagkakataong meron siya, at nasasabik na raw siya na gawin iyon sa lugar kung saan nagsimula ang lahat niyang mga pangarap sa basketball.
Napakagandang marinig iyon kay Klay kung ikaw ay fan ng Warriors, pero masamang balita naman iyong para sa Lakers.
Lalo na at napatutunayan naman ni Klay na napakahalaga niya para sa Warriors, kaya nga naitabla nila ang serye sa 1-1.
At hindi talaga gugustuhin ng Lakers na makaharap ang isang inspiradong Klay Thompson, mga idol, at baka iyon nga ang makaharap ng Lakers sa Game 3 sa darating na Linggo, May 7, 8:30 ng umaga, Pinas time.
Sa ngayon hindi pa natin alam kung papaanong pipigilan ng Lakers si Klay, pero isa lang ang may katiyakan, na hindi iaalis ng Lakers ang kanilang mga paningin kay Thompson.
Comments
Post a Comment