Klay Thompson may nagawa sa postseason na maging si Stephen Curry ay hindi nagawa.



Alam naman na natin na si Klay Thompson ay palaging nasa likod lamang ni Stephen Curry, mga idol, pero ngayon ay may naabot siya na pambihirang kasaysayan pagdating sa 3-point sa postseason, na mas angat kaysa kay Steph Curry.

Nag-init nga ang mga kamay ni Thompson, na siya ay umiskor ng 30 points, 11-of-18 shooting sa field at 8-of-11 naman mula sa tres, kaya nakuha nila ang panalo laban sa Los Angeles Lakers sa Game 2 ng Western Conference Semifinals, sa score na 127-100.

Ang naging performance ni Thompson ay nag-angat pa lalo sa kaniyang all-time record ng may pinakamaraming playoff games na nagkaroon ng walo o higit pa na 3-point made sa anim, anim na beses na itong nagawa ni Klay sa playoffs.


Nagrank na siya na pangalawa sa ganitong kategorya, mga idol, at mas mataas na siya kina Steph Curry, Ray Allen at Damian Lillard, na talaga namang kahanga-hanga.

Idagdag pa natin dito ang naabot ng Warriors sa kasaysayan ng kanilang shooting, dahil nagawa rin nila ang pinakamaraming 3-pointers sa dalawang magkasunod na games sa postseason, na may bilang na 39.

Ipinagpatuloy nila ang kanilang naiwan n'ung Game 1, kung saan kamuntikan na silang makabalik sa game, at ngayon nga ay inilabas na nila ang kanilang husay sa first half pa lamang, at hindi na nga lumingon pa sa likod.


Si Thompson ang naging bayani, mga idol, pero si Curry ay nakapagdagdag din naman ng 20 points at si Draymond Green naman ay kulang lang ng isang assist upang magkaroon ng triple-double.

At sumuko na rin naman si LeBron James sa 2nd half, matapos na dinomina ng Warriors ang unang 24 minutes ng game.

At bagaman natalo ang Warriors ng isa sa kanilang tahanan, ngayon makakampante na sila na tutungo sa balwarte ng Lakers na hawak ang kartadang 1-1 sa serye.


Iba talaga ang isang Klay Thompson, mga idol, maaari talaga siyang maging X-factor pagdating sa playoffs, at pinatunayan lang ng Warriors na ang kanilang koponan ay mahirap pa ring malagapasan.

Matapos nga na magstruggled itong si Thompson sa unang round ng playoffs laban sa Sacramento Kings, ngayon mukhang mas handa na siya, kaya kailangan talaga ng Lakers na mag-adjust sa mga susunod pa nilang mga laban.

Ang nanguna sa scoring para sa Warriors ay ito ngang si Klay Thompson na may 30 points, 3 rebounds at 1 assist, na sinundan ni Stephen Curry na may 20 points, 4 rebounds at 12 assists.


Si JaMychal Green ay may 15 points,1 rebound at 2 assists, at si  Moses Moody ay may 10 points, 7 rebounds at 2 assists.

Sina Draymond Green at Andrew Wiggins ay kapuwa may tig-11 points, 11 rebounds at 9 assists kay Green at  4 rebounds at 4 assists kay Wiggins.

Si Donte DiVincenzo ay may 8 points, 4 rebounds at 4 assists, at si Gary Payton ll ay may 7 points at 5 rebounds.


Sina Jordan Poole at Kevon Looney ay kapuwa may tig-6 points, 4 rebounds at 3 assists kay Poole at 8 rebounds kay Looney.

Si Jonathan Kuminga ay may 3 points, 2 rebounds at 1 assist, at si Anthony Lamb ay may 2 rebounds.

Samantalang sa Lakers, ang nanguna sa kanila sa scoring ay si LeBron James na may 23 points, 7 rebounds at 3 assists, na sinundan ni Rui Hachimura na may 21 points at 5 rebounds.


Si Anthony Davis ay may 11 points, 7 rebounds at 4 assists, at si D'Angelo Russell ay may 10 points, 1 rebound at 8 assists.

Si Lonnie Walker lV ay may 9 points at 1 assist, at si Austin Reaves ay may 7 points, 4 rebounds at 2 assists.

Si Jarred Vanderbilt ay may 6 points, 6 rebounds at 1 assist, at si Tristan Thompson ay may 5 points, 4 rebounds at 2 assists.


Si Dennis Schroder ay may 4 points, 3 rebounds at 2 assists, at sina Malik Beasley at Max Christie ay kapuwa may tig-2 points at 1 rebound.

Si Shaquille Harrison ay kay 1 rebound at 1 assist, at si Troy Brown Jr. ay may 3 assist.

Ang Game 3 sa laban ng Warriors at Lakers ay magaganap sa darating na Linggo, May 7, sa oras ng ika-walo't kalahati ng umaga, Pinas time, 


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.