Kevin Durant napa-react nang mabreak ni Stephen Curry ang kaniyang Game 7 scoring record.
Na break na nga ni Stephen Curry ang Game 7 scoring record na tangan ni Kevin Durant, mga idol, matapos na magpamalas siya ng napakagandang performance upang pabagsakin na ang Sacramento Kings.
Kaya naman itong si Durant ay napa-react sa naabot na iyon ni Curry, para sa 50 points ni Curry sa game, 20-of-38 shooting, at pitong tres, na may kasama pang 8 boards at 6 dimes.
Agad na ipinadala ni Durant ang kaniyang reaksiyon sa social media, sa kaniyang Twitter account, isang simpleng mensahe pero malaman, "Legendary 30, 50 pieces." ang mensahe ni KD para kay Curry.
At ang laban nilang iyon ay nauwi sa overtime, nang ang pampanalong tira sana ni Durant sa tres ay ibinilang lamang na 2 points, at natalo nga ang Nets sa overtime sa apat na kalamangan ng Bucks.
Pero sa naging laban ng Warriros at ng Kings sa Game 7, hindi na kinailangan pa ni Curry ang overtime upang mabreak niya ang record, dahil naipasok niya ang kaniyang tres na may 5:56 pa ang nalalabi sa final quarter, pumarehas na siya sa record ni Durant sa tirang iyon, pagkatapos ay nakagawa pa siya ng isang layup bandang 2:57, at doon na nga niya nabreak ang record.
Sa magiging laban nila sa Western Conference Semifinals, makakaharap niya ang may edad na rin na superstars, si LeBron James, na kasama si Anthony Davis at magagaling na mga supporting cast, gaya nina Austin Reaves, D'Angelo Russell at Dennis Schroder, kaya naman masusubok talaga ang Warriors sa magiging laban nilang ito sa Los Angeles Lakers.
At sa ipinakita niyang paglalaro laban sa Kings, mga idol, kailanganin niyang maipagpatuloy ang ganoong kataas na antas ng paglalaro upang mapabagsak nila ang koponan ni LeBron James, ang Lakers.
Sa kabila ng napakataas na scoring performance ni Curry sa Game 7, wala sa kaniyang mga kakampi ang nakatungtong ng 20-point mark.
Si Andrew Wiggins ay may 17 points, 7 rebounds at 2 assists, at si Klay Thompson ay may 16 points, 5 rebounds at 1 assist.
Sina Draymond Green at Jordan Poole ay kapuwa may tig-8 points, 6 rebounds at 8 assists kay Green at 3 rebounds at 2 assists naman kay Poole.
Si Kevon Looney ay may 11 points, 21 rebounds at 4 assist, si Moses Moody ay may 5 points, at si Donte DiVincenzo naman ay may 3 points, 2 rebounds at 1 assist.
Samantalang sa Kings, ang nanguna sa kanila sa scoring ay si Domantas Sabonis na may 22 points, 8 rebounds at 7 assists, na sinundan ni De'Aaron Fox na may 16 points, 3 rebounds at 6 assists.
Sina Malik Monk at Terrence Davis ay kapuwa may tig-14 points, 9 rebounds at 4 assists kay Monk at 3 rebounds at 3 assists naman kay Davis.
Si Keegan Murray ay may 10 points, 7 rebounds at 1 assist, at si Kevin Huerter ay may 7 points at 9 rebounds.
Si Trey Lyles ay may 6 points at 7 rebounds, at si PJ Dozier ay may 5 points.
Sina Davion Mitchell at Chimezie Metu ay kapuwa may tig-1 point, at 1 rebound kay Metu.
At sina Alex Len at Kessler Edwards ay may tig-isang rebound.
Comments
Post a Comment