Kendrick Perkins sumang-ayon sa sinabi ni Stephen A. Smith na huwag nang tumira ng tres itong si LeBron James.



Zero out of 10 na nga itong si LeBron James sa 3-point line, mga KaDribol, sa serye ng Los Angeles Lakers sa West Finals laban sa Denver Nuggets

At gaya ni Stephen A. Smith, si Kendrick Perkins din ay naniniwala na dapat nang ihinto ni LeBron ang patira niya sa may arko.

At ang dahilan daw kung bakit iyon sinasabi ni Perkins ay dahil daw sa iyon ang gusto ng Nuggets na gawin ni LeBron, ang tumira sa tres.


Ayaw daw kasi ng Nuggets na si LeBron ay naglalaro na umaatake sa basket, mga Kadribol, o kaya ay pumupwesto sa poste at naglalaro sa loob ng pintura upang makakakuha ng mga fouls at malagay siya sa free throw line.

Kaya naman, ang ginagawa raw ng Nuggets ay inilalagay nila si LeBron kung saan gusto nila na tumira siya.

Sinabi rin naman ni Perkins na wala siya sa lugar upang sabihan si LeBron kung saan siya dapat na tumitira, pero ang pagtira raw ni LeBron sa tres, iyon daw ang gustong play ng Denver at pumapabor daw iyon sa Nuggets.


At base na rin sa dalawang games na nailaro ng Lakers sa West Finals laban sa Nuggets, mga KaDribol, tama naman ang sinasabi na ito ni Perkins.

Mas okay talaga para sa Nuggets na ipagpatuloy ni LeBron ang pagtira niya sa tres dahil hanggang ngayon sa kanilang serye ay wala pa nga siyang naipapasok mula doon.

At kung titignan natin, isang malakas pa rin na pwersa itong si LeBron sa pag-atake sa basket, mga KaDribol, kaya mas gugustuhin talaga ng Nuggets na mas madalas tumira si LeBron sa perimeter.


Para naman siguro kay LeBron, nauunawaan na niya kung ano ang nangyayari, lalo na at lubog na sila sa serye laban sa Nuggets ng zero to two.

Hindi na rin lingid sa kaniya na ang pagtira niya sa tres ay hindi nga gumagana, kaya ang pagbabago sa kanilang mga game-plans ay kinakailangang maisagawa na nila bago sumapit ang Game 3, na magaganap na sa kanilang tahanan, sa Linggo, May 21, 8:30 ng umaga, Pinas time.

Aasahan na kaya natin na sa Game 3 ay hindi na titira o lilimitahan na ni LeBron James ang pagtira niya sa tres, at makikinig siya sa ipinapayo sa kaniya nina Stephen A. Smith at Kendrick Perkins?


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ang 13-point game ni Anthony Davis at ang pagkatalo ng Lakers sa Game 2 laban sa Grizzlies.

Toronto Raptors interesado kay Tyler Herro sa gitna ng usapang trade kay Damian Lillard.

Naku po! Mababaliw daw si Damian Lillard kapag hindi niya nakuha ang bagay na ito.