Kaya pala napigilan ng Lakers ang last play ng Warriors n'ung Game 4 dahil dito.
Napakaganda nga ng naging laban ng Los Angeles Lakers at Golden State Warriors n'ung Game 4, na wala sa magkabilang panig ang basta susuko na lamang sa laban.
Pero sa huli, ang Lakers ang nanaig at nakakuha ng panalo, at ngayon nga ay nagkaroon na ng matatag na 3-1 na kalamangan sa serye ang Lakers laban sa defending champions.
Pero ang Warriors ay talaga namang lumaban hanggang dulo, sa katunayan, nagkaroon pa sila ng pagkakataon na maitabla ang score na may 15 seconds na lang ang nalalabi sa fourth quarter.
Sa puntong iyon, 3 points ang hinahabol ng Warriors na kalamangan ng Lakers, at si coach Steve Kerr ng Warriors ay gumawa ng isang play na nagpatabla sana sa laro, sa pamamagitan ng isang 3-pointer.
Subali't hindi naging matagumpay ang play na iyon dahil alam ng Lakers ang eksaktong play na gagawin ng Warriors.
Sinabi nga ni Richard Jefferson ng ESPN kung ano ang eksaktong play na ginawa ng Warriors, na nagresulta na maiwala ni Draymond Green ang bola sa kaniyang pagpasa.
Aniya, ang play na iyon ay tinatawag na "hammer play," isang play na ipinangalan mismo sa head coach ng Lakers na si Darvin Ham.
Kaya naman, ang ganoong play ay alam na alam ni Darvin Ham dahil ipinangalan nga iyon sa kaniya.
At panigurado, naihanda na ni Ham ang kaniyang koponan sa ganoong klaseng play, at nagawa naman ng tama ng Lakers ang kanilang pagdepensa sa play na iyon.
Hindi rin naman natin masisisi si Steve Kerr kung iyon ang play na ipinagawa niya sa kaniyang mga bata, dahil bukod sa isa iyong mabilis na play, maganda rin na maitabla nila ang score sa isang play na ipinangalan sa kanilang kalaban.
Ang kaso nga lang, hindi umubra iyon sa harapan ng koponan ng Lakers at hindi iyon nagawa ng tama ng Warriors dahil sa magandang pagdepensa ng may ari ng play na iyon.
Comments
Post a Comment