Julius Randle umani ng papuri kay Jimmy Butler matapos na matalo ang Knicks sa Heat sa Game 3.
Nagkaroon nga ng hindi magandang paglalaro si Julius Randle ng New York Knicks sa naging pagkatalo ng kanilang koponan sa road, laban sa Miami Heat, sa score na 105-86, pero pinuri pa rin naman siya ni Jimmy Butler ng Miami Heat.
Mahirap daw bantayan itong si Randle dahil lagi raw siyang nakahandang umatake, at maganda raw ang nagagawa niya sa loob ng basketball court, at si Randle daw ang isang kahulugan ng isang all-around player, ang sabi ni Jimmy Butler.
Nagkaroon itong si Randle ng 25 points n'ung Game 2, pero sa Game 3, kinailangan na niyang magfocus kay Butler at sa Heat.
Maganda ang naging depensa ng Heat kay Randle, dahil siya ay nagkaroon lamang ng 10 points, 4-for-15 shooting sa field, na may apat pang turnovers, pero nagkaroon pa rin naman siya ng 14 rebounds at 2 assists sa 38 minutes niyang paglalaro.
At si Jimmy Butler naman, matapos ang isang game niyang pagkawala, ay nagtapos sa Game 3 na may 28 points, 9-for-21 shooting, 4 rebounds at 3 assists sa 36 minutes na paglalaro.
Inasahan na nga na magiging matindi ang bakbakan ng Knicks at ng Heat, at ganoon na nga ang nangyayari, kahit na ba na nagkaroon pa ng tambakan n'ung Game 3.
Kaya naman, susubukan ng Knicks at ni Randle na maitabla ang serye sa Game 4, bago sila ay bumalik sa Big Apple para sa Game 5 sa Madison Square Garden.
Sa ngayon, si Randle ay nag-aaverage sa playoffs ng 15.3 points, 8.3 rebounds at 3.6 assists per game.
Medyo hindi nga maganda ang shooting ngayon ni Randle, na siya ay mayroon lamang na 34.6% sa kaniyang mga attempts sa field, na ito ang kailangan niyang mai-improve sa kaniyang pagpapatuloy.
Comments
Post a Comment