Jimmy Butler maglalaro na ba sa Game 3 o hindi pa para sa tapatang Heat at Knicks sa ikalawang round ng playoffs.



Mukhang makakabalik na si Jimmy Butler ng Miami Heat sa paglalaro sa Game 3 laban sa New York Knicks.

Hindi nga nakapaglaro si Butler sa Game 2 ng kanilang serye sa playoffs dahil sa ankle injury, at dahil d'un tinalo ng Knicks ang Heat sa score na 111-105, at naging tabla na ang kanilang serye sa 1-1.

Sa kasalukuyan, si Butler ay inilista bilang questionable para sa laban nila sa Linggo, at bagaman na wala pang katiyakan na makakapaglaro na nga siya, pero may mga senyales na baka kayanin na niyang maglaro.


Nagsagawa na nga itong si Butler ng ilang late-night shooting n'ung Huwebes sa kabila na siya ay may injury pa sa paa.

At kung ang kanilang head coach ang tatanungin, si Erik Spoelstra, hindi niya kinumpirma na paglalaruin na nga niya si Butler, pero binigyang-diin naman niya na si Butler ay nagsagawa nga ng workout at alam nila kung bakit iyon ginawa ni Butler.

At isang positibong development ito para sa Heat, dahil kung nakapaglaro sana si Butler sa Game 2, baka ang Heat ngayon ay nauna na sa serye,
2-0, bago sila lumipat sa kanilang tahanan sa Miami.


Maganda ang inilaro nina Bam Adebayo at mga kasama niya n'ung Miyerkules, at nagawa nilang maging dikitan lamang ang laban, kaso nga lang wala sa kanila ang kanilang panapos, at ang mga injuries sa laro ay hindi talaga nakatulong.

Kung walang anumang mangyayari na 'di maganda kay Butler, baka makapaglaro nga siya sa Game 3, at sana ay maprotektahan ng Heat ang kanilang homecourt, at makuha ang
3-1 na kalamangan, bago bumalik muli sa Big Apple.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.